Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, puspusan na ang paghahanda sa Darna

PUSPUSAN na ang paghahanda ni Liza Soberano para sa Darna. Una sa mga ginawa niya ay ang makipag-meeting sa director nitong si Erik Matti.

Ayon kay Liza nang makausap namin sa launching sa kanya bilang first celebrity endorser ng Megasound Brand, MP MegaproPlus, na nagkaroon na siya ng physical test para makita kung gaano siya kalakas.

“And so based on what I did in front of them, nakita po nila kung ano ‘yung mga kailangan ko.”

Ngayon ay nagpapalakas si Liza para sa mga gagawin niyang stunt. Kay Bok Santos siya nagpapaturo kasabay din ang pagka-cardio tuwing Linggo.

Samantala, ibinalita naman sa amin ng kanyang manager na si Ogie Diaz na pati dancing ay inaaral ni Liza para sa tamang timing ng dalaga.

“Dinidibdib ni Liza ang pagiging ‘Darna’ dahil pressured siya,” panimula ng kanyang manager bagamat sinabi nitong hindi naman pinangarap ng kanyang alaga na maging Darna.

“Millennial si Liza kaya hindi niya kilala si Darna. Hanggang sa kasama siya sa pinagpipiliin, doon na siya na-curious (kung sino si Darna), so hindi niya pinangarap kasi nga niya kilala,” paliwanag pa ni Ogie.

At nang malamang isa siya sa pinagpipilian para gumanap na Darna, na-curious na ang dalaga. “Dalawang beses niyang pinanood ang ‘Wonder Woman’ para magkaroon siya ng idea at gandang-ganda siya sa pelikula.

Sa kabilang banda, hindi pa man nagsisimulang mag-shoot si Liza, nai-imagine na niyang mahihirapan siya sa mga eksenang kailangang lagyan siya ng harness.

“Actually, harnesses are very painful,” anito. “Kasi na-try ko nang mag-harness, masakit po talaga siya. But I find it to be really fun ‘coz I like roller-coasters so, nag-i-enjoy naman po ako roon.”

Nakikita rin ni Liza na mahihirapan siya sa mga stunt. “‘Yung magiging difficult para sa akin is the timing when it comes to stunts. ‘Yun talaga. You have to look strong but not be to strong kasi you don’t wanna hurt the person you’re doing the scene with when doing stunts, so you have to make it look believable, coz I’m not actually gonna hurt siyempre ‘yung ka-stunt ko,” sambit pa ng dalaga.

SHOBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …