Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay, bibigyan ng GC ang nam-bash kay Bimby

Kapuna-punang parang nagiging mapagpatawad ang showbiz celebrities ngayon. Sina Kris Aquino man at Daniel Padilla ay pinatatawad na lang ang bashers nila sa social media.

Pinatawad ni Daniel ang mistulang pagpaparunggit sa kanya ng singer na si Richard Reynoso tungkol sa performance ng batang aktor noong halos katatapos lang na Bb. Pilipinas beauty pageant.

Ayon sa isang social media posting ni Richard, ‘di tama na ‘pag kumanta ang isang singer bilang paghaharana, ‘di dapat magmukhang background na lang ang mga babaeng hinaharana.

Sagot ni Daniel sa isang interview sa kanya, lumabas din sa social media, “Baka nga may ‘di tama sa mga ginawa ko roon. Pasensiya na po.”

Sinabi rin n’ya na okey lang na may opinyon ang mga tao tungkol sa kanya at sa mga performance n’ya.

‘Yun namang kay Kris, may nag-post sa isang social media outlet din na “parang bakla si Bimby,” ang anak ni Kris sa basketbolistang si James Yap.

Nang inspeksiyonin ni Kris ang account ng nag-post na si  angelo_pogi20, napuna nito na ‘di magaganda ang mga underwear ng kung sino mang “angelo” na ‘yon. Kaya sa halip na tarayan n’ya, sinabi na lang ni Kris sa Instagram reply n’ya na, “Where can I send the Bench GCs so you can buy proper underwear? Act of charity ko na.”

Mas maganda ang buhay kung nagpapatawad tayo at ‘di nagkikimkim ng mga sama ng loob. At hindi po tayo kailangang makisalamuha sa mga tao na pinatawad natin. Para sa sarili nating kapayapaan at kaginhawahan, ang kailangan lang ay huwag tayong mamuhi at maghangad ng ‘di-maganda para sa kapwa natin.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …