PATAY ang isang ina at dalawa niyang anak nang ma-trap sa kanilang nasusunog na bahay sa isang subdivision sa Saint Anthony Subd., Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal nitong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ni SFO3 Mario Paredes, fire marshal investigator, ang mga biktimang sina Maria Teresa Agustin Hermocilla, 23; Terence, 5, at Andrea, 4-anyos.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 7:30 pm nang sumiklab ang apoy sa kusina ng bahay ng mga biktima.
Hindi na nakalabas ng bahay ang mga biktima dahil mabilis na kumalat ang apoy.
Napag-alaman sa imbestigasyon, nagsindi ng kandila ang mga biktima dahil naputulan sila ng koryente.
(ED MORENO)