Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seguridad sa Chinatown tiniyak ng MPD (Sa Chinese New Year, Miss U event)

MAGPAPAKALAT ng 150  pulis sa Chinatown at Binondo sa lungsod ng Maynila sa nalalapit na selebrasyon ng Chinese New Year sa 28 Enero.

Sinabi ni Manila Police District Director, Chief Supt. Joel Coronel, nakipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Maynila para sa seguridad ng publiko.

Ayon kay Coronel, 27 Enero ay naka-deploy na ang kanyang mga tauhan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa isasagawang mga programa sa Binondo gaya ng fireworks display at dragon dance.

Aniya,  wala  silang ipagbabawal at mananatiling bukas sa mga motorista ang mga kalsada sa lugar.

Umaasa ang pamunuan ng MPD na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng Chinese New Year katulad ng nakalipas na bagong taon.

Samantala, tiniyak ni Coronel, walang ano mang magiging aberya sa mga aktibidad ng Ms. Universe pageant sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Coronel, nakalatag na ang seguridad sa gaganaping mga aktibidad ng Ms. Universe pageant ngayong linggo.

Ngayong linggo ay may photo shoot ang mahigit 80 kandidata para sa Ms. Universe sa Maynila, sa 20 Enero, magbibigay-galang sila (courtesy call) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang, at kasunod nito ang luncheon sa Manila Hotel.

Sinabi ni Coronel, bilang bahagi ng Special Task Force Ms. Universe, ay magdi-deploy ang MPD ng 250 pulis na magbabantay sa ruta, magsi-secure sa area at traffic management.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …