Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Angelica Panganiban

John Lloyd at Angelica, itinatago raw ang tunay na relasyon

BAGO dumating ang tumilaok naYear of the Rooster ay naka-one-on-one namin si Madam Suzette Arandela sa opisina niya sa Bacood, Sta Mesa at isa sa kanyang hinulaan base sa kanyang vibration ay sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na hanggang ngayon ay sinasabi ng actor na ‘best of friend’ na lang sila.

Kaya lang, salungat ito sa sinasabi ng baraha ni Madam Arandela na magsyota na muli ang dalawa at tiyak siya sa kanyang nararamdaman. ”Sila na ulit, sila na ‘yun, 90%,” hula nito.

May kasabihang ’friends to lovers, yes but lovers to friends, no’ at pinatunayan ito sa kasalukuyang estado na magmamahalan ang dalawa. Kung nagkahiwalay man, nagkabalikan na ngayon.

Ang hindi lang namin naurirat ay bakit kailangang  ilihim sa publiko?

Sa puntong ito, naalaala namin ang pahayag ni Lloydie na hindi siya nagmamadali sa paglagay sa tahimik dahil gusto muna niyang i-enjoy  ang kanyang pagiging single.

Aniya,  ”It’s not about being single, it’s all about enlightenment para sa akin. It’s all about new discoveries about yourself, your life, kung anong gusto mong mangyari.  You only live once and I definitely, I want to make the most of it.”

Inamin din ng aktor na puwedeng sila pa rin ng aktres bilang friends forever dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang nakikitang ipapalit dito.

STARNEWS UPLAOD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …