Monday , December 23 2024

1.4-M deboto lumahok sa traslacion — PNP-NCR

011017_front
INIULAT ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), tinatayang umabot sa 1.4 milyong deboto ang nakibahagi sa prusisyon ng itim na Na-zareno sa lungsod ng Maynila.

Ang nasabing datos ng NCR police ay batay sa mga dumalo mula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, nagsimula ng 5:30 am hanggang 2:00 pm kahapon.

Sa bagal ng andas dahil sa kapal ng tao at mga sumasalubong, nasa bahagi pa lamang ng city hall ng Maynila dakong tanghali kahapon.

Samantala, inilarawang “so far so good” ang situwasyon sa isinasagawang traslacion sa lungsod ng Maynila.

Ito ang ibinalita ni PNP chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa sa isinagawang initial assessment ng PNP.

Sa kabila nang sina-sabing banta ng panggugulo ng ilan sa mga teroristang grupo.

HATAW News Team

DUTERTE NAKIISA
SA PISTA NG ITIM
NA NAZARENO

011017-duterte-pray

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng Pista ng Poong Nazareno kahapon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte, hanga siya sa ma-tinding pananampalata-ya ng milyong deboto ng Black Nazarene, na puspusan ang pagpapaha-yag ng pasasalamat, pe-tisyon at sakripisyo.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang ganitong pagpapakita ng pana-nampalataya at walang kapagurang taimtim na pagdarasal ay kahalintulad nang masidhing kampanya laban sa kawalan ng hustisya, kasinunga-lingan, pag-abuso sa kapangyarihan at korupsi-yon.

Inihayag ni Pangulong Duterte, ang kanyang administrasyon ay lubos na nakikibahagi sa kaibuturan ng pananampa-latayang nag-uudyok sa masang Filipino para magsakripisyo araw-araw at makahanap pa ng panahon para magbigay-papuri sa Panginoong sinisimbolo ng Nazareno, ang taong bumalikat ng krus para iligtas ang sangkatauhan.

“My administration has deep empathy for the core of faith that pushes the masses of Filipinos to resort to sacrifice every single day, while still finding a piece of themselves to honor God – whose image we recognize in the man of Nazarene, who carried his cross to redeem the rest of humankind. In His tears, we see our sorrow; and in His agony, we find our solace and strength to triumph against the most insurmountable odds,” ani Pangulong Duterte.

“Through our fervent prayers for the country, let us join the Catholic faithful in the passionate observance of the Feast of the Black Nazarene.”

1-KM RADIUS SIGNAL JAM
SA ANDAS — PNP-NCR

IPINATUPAD ang one kilometer radius signal jamming sa mobile phones mula sa andas at no-fly zone sa ibabaw ng Quiapo at karatig-lugar sa Maynila kahapon.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo sa traslacion ng Itim na Nazareno.

Kaugnay nito, nananatili ang assesment ng Philippine National Police (PNP) na walang “clear at present danger” sa traslacion ng Itim na Nazareno.

Tiniyak ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Oscar Alba-yalde kasabay nang paglilinaw na wala silang na-monitor hinggil sa presensiya ng terror group na Maute.

Ginawa ng opisyal ang paglilinaw makaraan sabihin kamakailan ni Interior Secretary Ismael Sueno na may intelligence reports sila na nasa Maynila Maute Group.

Binigyang-diin ni Albayalde, kailangan ma-ging alerto upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.

011017-no-signal-cellphone

MALACAÑANG COMPLEX
APEKTADO RIN
NG SIGNAL JAMMING

 

MAGING ang buong Malacañang complex ay hindi nakalusot sa ipinatupad na signal jamming sa mobile phone networks sa paggunita ng pista ng Poong Nazareno.

May inilagay na signal jammer sa mismong andas at hanggang 1-kilometer radius ang apektadong area.

Bunsod nito, tanging hand-held radio, internet at landline telephones ang ginagamit sa komunikasyon sa loob ng Malacañang.

Gen. Bato desmayado
WALANG CHOPPER
SA AERIAL
MONITORING

DESMAYADO si PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa dahil walang chopper ang PNP para sa pagsasagawa ng aerial monitoring para maobserbahan ang traslacion.

Sinabi ni Dela Rosa, wala nang pakinabang ang mga segunda-manong choppers ng PNP na binili noong 2009.

Ayon kay PNP chief, “beyond economic repair” na ang dalawang Robinsons choppers, ibig sabihin ay mas magastos pang ipagawa ang choppers kaysa bumili ng bago.

Ibinunyag din ni Dela Rosa, plano nilang bumili ng dalawang bagong choppers sa taon na ito upang mapalakas pa ang kanilang capability.

Kasama aniya ang choppers sa mga bagong kagamitang bibilhin ng PNP bilang bahagi ng kanilang move-shoot-communicate upgrading program.

010917-bato-nazareno

PNP CHIEF
PINAGKAGULUHAN
SA TRASLACION

INIKOT ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang mismong Andas o karosa ng Poong Nazareno upang inspeksiyonin at personal na makita ang situwasyon sa isinagawang traslacion kahapon.

Ngunit pinagkaguluhan siya ng mga deboto nang makita siya sa lugar.

Kanya-kanyang kuha ng larawan ang mga deboto sa PNP chief.

Nasa ilalim ng Quezon Boulevard ang Andas nang magtungo si Dela Rosa.

Makaraan inspeksyonin ang Andas o karosa, agad dumiretso sa monitoring center ng PNP sa lugar si Dela Rosa.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *