Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jack Reid, na-inspire sa kasikatan ni James kaya pinasok ang showbiz

ANG pagiging sikat ni James Reid ang naka-inspire kay Jack na pasukin ang showbiz. Ito ang sinabi ng nakababatang kapatid ni James sa presscon ngDarkroom na buwenamanong handog ng Viva Films na mapapanood sa Enero 18.

Ani Jack, si James ang nag-encourage sa kanya na mag-artista kaya naman hindi niya pinalampas nang isama siya ng Viva sa Darkroom, isang documentary horror movie kasama ang iba pang teenager na sina Ella Cruz, Bret Jackson, Donnalyn Bartolome, AJ Muhlach, at Rose Van Ginkel.

Magkahawig sina James at Jack, pero siyempre, mas guwapo pa rin ang kuya nitong si James. Ang pareho lang sa kanila ni James ay pareho silang slang na given naman ‘ýun dahil sa Australia sila lumaki. Bale 1 ½ years pa lang sa bansa si Jack kaya nag-aaral pa raw siyang pagbutihin ang pagta-Tagalog.

“I’ve been inspired eversince he won ‘PBB’ (Pinoy Big Brother),” ani Jack. “And it was different for me because at least, I have James to help me out if I have any problems.”

Ani Jack, hindi niya akalain na mananalo si James sa PBB. ”No one did. So, when he did, it was really crazy and insane. It was really eye-opening,” sambit ng 18 taong gulang na binata.

Sa paglabas ni Jack, alam niyang ikukompara siya kay James, pero okey lang daw iyon. ”It’s only normal coz I’m his brother. It happens to everyone, so I don’t really mind,” anito.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …