KINOMPIRMA ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III nitong Miyerkoles, inilipat na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang high-profile inmate na si Jaybee Sebastian.
Si Sebastian ay inilipat nitong Martes ng gabi mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa patungo sa hindi tinukoy na NBI office, pahayag ni Aguirre, ngunit tumangging magbigay ng iba pang detalye.
Magugunitang hiniling ng pamilya ni Sebastian na ilipat ng kulungan ang high-profile inmate makaraan masangkot sa stabbing incident sa loob ng NBP ilang linggo bago nagbigay ng testimonya laban kay Senadora Leila de Lima.
(LEONARD BASILIO)