Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blakdyak patay ulo nakaplastik (Autopsy hiling ng pamilya)

HINDI naniniwala ang misis ng Filipino-Barbadian comedian at novelty reggae singer na si Blakdyak na magagawa ng kanyang asawa ang magpakamatay.

Ayon kay Twinkle Estanislao, bagama’t isang taon na silang hiwalay ni Blakdyak o Joey Formaran sa tunay na buhay, maayos pa rin silang nag-uusap lalo’t apat ang kanilang mga anak.

Taliwas ito sa pahayag ng matalik na kaibigan ni Blakdyak na dumanas ang singer ng stress dahil sa out of town shows. Iginiit ni Twinkle, walang problema sa kanyang career ang singer lalo’t sunod-sunod ang kanyang gig sa mga bar.

Katunayan kamakalawa ng gabi ay mayroong gig ang 46-year-old singer ngunit bandang 7:00 pm nang  datnan ng kanyang anak ay walang buhay at nakabalot sa plastic ang mukha sa tinutuluyang studio-type condominium sa Sampaloc, Maynila.

Sa ngayon, nais ng pamilya na ma-autopsy ang bangkay ni Blakdyak para malaman ang totoong dahilan ng kamatayan ng singer.

Bukod sa kanyang hit songs na “Modelong Charing” at “Good Boy,” naging tampok din si Blakdyak sa ilang pelikula gaya ng “Weyt A Minut Kapeng Mainit” noong, “S2pid Luv,” at iba pa.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Maribeth Barines, Jam Breboneria at Ruth Liman )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …