Saturday , April 26 2025

Drug user utas sa pulis

BINAWIAN ng buhay ang isang 25-anyos hinihinalang adik sa droga makaraan makipagpalitan ng putok nang sitahin ng mga pulis sa anti-criminality campaign ng MPD PS-2 sa Tondo, Maynila kahapon.

Kinilala ang biktimang hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital, na si Dexter Mendano, ng Gate 54, Area C, Parola Compound, Binondo.

Ayon sa imbestigayson ni PO3 Jorlan Taluban ng Manila Police District Homicide Section, dakong 1:45 pm nang maganap ang insidente sa Area D, Gate 17, Parola Compound.

Bago ang insidente, si Mendano at isang alyas Patrick ay nagtungo sa bahay ni Nicolas Diestro at doon gumamit ng ipinagbabawal na droga.

Ngunit paglabas ni Nicolas ay nakita niya ang mga pulis kaya agad inabisohan ang dalawa.

Paglabas ni Mendano, sinita siya ng mga pulis ngunit pumalag at nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay. ( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Maribeth Arines, Jam Breboneria at Ruth Liman )

About Leonard Basilio

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *