Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sweet, aminadong may apat na regular sexmates

NILINAW ni John “Sweet” Lapus na ibang-iba ang tema at kuwento ng Working Beks na bagong handog ng Viva Films na idinirehe ni Christ Martinez at mapapanood na sa Nobyembre 23 sa mga gay themed movie na The Third Party at Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?

Ani Sweet, limang magkakaibang kuwento ukol sa mga beki ang  ipakikita nila sa Working Beks na pinagbibidahan din nina Edgar Allan Guzman, TJ Trinidad, Joey Paras, at Prince Stefan.

“More on romcom kasi ‘yung ‘The Third Party’ and ‘yung ‘Bakit Lahat Ng Gwapo’, itong sa amin, it’s about friendship, mayroon ding romance, love story. But more importantly, the story is about gay empowerment, respect and love.

“Rito like what direk Chris said, lumalaban ang mga bakla rito, hindi sila nagpapaapi!” paliwanag ni Sweet noong Linggo.

Bale tribute nga nila sa mga beki ang Working Beks, ito’y ayon na rin sa sinabi ni Direk Chris. “This is my tribute to the gays. I’ve been writing since 2004, so how many years na ‘yon, 12 years na, I’ve been directing for eight years, I think sa mga pelikula naman na isinulat ko makikita na parang mayroon siyang mga character na gay or gay sensibility, pero wala pa talaga akong pelikula na para or tungkol sa gays.

“Parang feeling ko, hindi naman ako puwedeng hindi gumawa kasi gusto ko talagang gumawa ng ganito. Dream project po siya talaga,” giit ni direk Chris.

Sinabi pa ni Sweet na nakare-relate siya sa karakter niya sa pelikula bilang si Gorgeous na nagpapakamatay sa pagtatrabaho para sa pamilya at ibang tao na kung minsan ay nakalilimutan na ang sarili. Ang kaibahan nga lang nila ni Gorgeous ay aktibo ang sex life niya samantalang si Gorgeous ay malungkot ang personal na buhay.

Ani Sweet, mayroon siyang apat na regular sexmates, “Dalawang masahista at dalawang secret!” Pero bumaba na raw ang libido niya ngayong 43 years old na siya. Hindi tulad noon na halos araw-araw ay mayroon siyang booking.

Ani Sweet, pampamilya ang pelikula nila at hindi puro lamang ukol sa kabaklaan ang istorya. Parang 5-in-1 din daw ang pelikula kaya sulit na sulit ang ibabayad ng mga manonood.

Bukod sa lima, makakasama rin nila sa Working Beks sina Jeric Raval, Bela Padilla, Kai Cortez at marami pang iba. Showing na ito sa Nov. 23 nationwide under Viva Films.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …