Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P2.4-M pekeng medyas nasabat sa Cartimar

NAKOMPISKA ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation -National Capital Region (NBI-NCR) ang mahigit sa P2.4 milyong halaga nang pinekeng brand ng medyas nang salakayin ang isang mall sa Pasay City

Ayon sa NBI, ito ay kasunod ng reklamo ng Lee Bumgarmer Inc. (LBI) sa pamamagitan ng kanilang kliyente na Stance Inc., trademark holder ng Stance wordmark and logo, hiniling sa NBI ang imbestigasyon sa ilang indibidwal at establisyimento na ‘di awtorisadong mag-import, gumawa, magbenta at pagpakalat ng counterfeit Stance items.

Bunsod ng reklamo, at sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Maria Victoria A. Soriano-Villadolid, RTC Branch 24, Manila, sinalakay ang Cartimar Shopping Center sa Pasay City  .

Kasong paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement) in relation to Section 170 ng R.A. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) ang isasampa laban kay John/Jane Does, owners/managers, occupants/lessees ng ilang tindahan sa nasabing shopping center.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …