KAHIT gustong itago ni Derrick Monasterio, may bukol pa ring nakikita sa kanyang costume bilang isang superhero.
Tinanong tuloy siya kung nako-conscious sa pagsusuot ng skintight superhero costume.
Noong unang mag-fit siya ay talagang bumabakat daw ‘yung extra- muscle sa ibaba. Pero habang tumatagal na inaayos ang costume niya ay humuhubog na raw sa katawan niya. Mas kumakapit at napi-feel na raw niya ang pagiging hero.
Ano ang pagkakaiba niya sa mga dating gumaganap na super hero?
“Mas bata po siguro, mas fresh. Kasi ‘yung superhero rati, if I am not mistaken, may mga inilalagay na parang mga padding kung saan-saan eh. Ako po wala,” sambit niya.
Tinanong din si Bea Binene kung naco-conscious siya ‘pag nakaharap kay Derrick na naka-costume?
“Hindi naman po,” pakli niya.
Sumagot naman si Derrick ng, “Noong unang beses ko isinuot ‘yung costume, nakita ako ni Bea, conscious na conscious. Hindi siya makasalita, at saka ‘yung mata niya lumilikot,” sey niya sabay tawa.
TALBOG – Roldan Castro