Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica Panganiban, natawa sa pagli-link sa kanya kay Baste

“W IT (means HINDI),” ang mabilis na sagot  ni Angelica Panganiban sa napapabalitang nali-link siya sa first son na si Baste Duterte. Hindi rin daw niya alam kung saan nanggagaling ang tsikang ‘yun.

Natawa na lang daw siya dahil may nagtanong na rin sa Banana Sundae star sa isyung ‘yun.

Anyway, single pa rin ang press release ni Angel sa sarili niya. Free naman siyang makipagrelasyon kung sakali. Pero wala siyang matagpuan.

“Sabi nga ni Paulo (Avelino, kasama nila ni Dingdong Dantes sa pelikulang ‘The Umarried Wife’), kumain daw ako sa labas. Bakit naman ako kakain sa labas? Titingin ako ng lalaki?!” humahalakhak niyang pahayag.

Kadalasan sa trabaho niya nakikilala ang nakakarelasyon niya gaya nina John Lloyd Cruz, Derek Ramsay, at Carlo Aquino.

May hugot pa si Angelica na dapat ay makinig sa magulang, na magtira sa sarili ‘pag nagmahal.

“Mali yata, eh. Sa susunod, hindi ko na siya ulit susundin. Buong-buo na naman, ganoon,” deklara niya.

So mali ‘yung magulang?

“Ewan ko kung anong strategy ang ginamit ko mars. Lahat ibinigay ng todo, hindi masyado, mali rin. Ako na siguro ang may problema,” natatawa pang sambit ng aktres.

Sa November 16 ang showing nationwide ng The Unmarried Wife sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.

( Roldan Castro )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …