Sunday , December 22 2024

De Lima kinasuhan ni Jaybee Sebastian

PORMAL nang naghain ng reklamo sa Department of Justice ang kampo ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian laban kay Senador Leila de Lima.

Ang patong-patong na reklamo ay inihain ng kanyang abogado na si Atty. Eduardo Arriba kasama ang maybahay ni Sebastian na si Roxanne Sebastian.

Reklamong paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o RA 3019; Section 5 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees o RA 6713; at Anti-Torture Act o RA 9745 ang inihain laban kay De Lima.

Kasama rin sa mga sinampahan ng kaparehong reklamo sina dating Bureau of Corrections Director Rainier Cruz, at dating New Bilibid Prisons Supt. Richard Schwarcopf.

Dagdag na reklamong paglabag sa Presidential Decree 46 o An Act Punishing the Receiving and Giving of Gifts of Public Officials and Employees, at indirect bribery na paglabag sa ilalim ng Revised Penal Code, ang inihain kay De Lima.

Nag-ugat ang reklamo sa sinasabing utos ni De Lima na kumalap ng pondo sa pamamagitan ng pagbebenta ng ilegal na droga, at pagtanggap ng drug money para gamitin niya sa kanyang pangangampanya sa nakaraang 2016 elections.

Ginawa ring batayan sa reklamo ang pagbu-bunyag ni De Lima sa media at sa publiko na si Sebastian ay “asset” ng gobyerno na naging dahilan para malagay sa peligro ang kanyang buhay.

Naniniwala ang kanyang kampo na ang na-sabing pagbubunyag ni De Lima ang naging dahilan kaya nasaksak si Sebastian sa loob ng bilangguan noong Setyembre.

Inireklamo rin ni Sebastian ang paglilipat sa kanya ng DoJ, sa utos ni De Lima, ng bilangguan mula sa Maximum Security Compound patungo ng Building 14.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *