Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapamilya stars, isasabak na rin sa teatro

WOW, magaling talaga ang ABS-CBN. Malawak ang isip. Broadminded at may foresight. Bukod sa pagko-co-produce ng Ako si Josephine, na kapapalabas lang sa PETA Theater Center ng Philippine Educational Theater Association, isosoga na rin ng network ang mga artista nila sa teatro.

Ilang buwan na rin ngayon na matahimik na ibinabando ng Ballet Philippines na sa Disyembre ay itatanghal nila ang Aawitin Ko at Isasayaw Mo na magtatampok sa ilang Kapamilya stars, kasama ang mga miyembro ng Ballet Philippines, isa sa resident dance companies ng Cultural Center of the Philippines.

Ngayong Oktubre, malamang na i-announce na ng Ballet Philippines at ng ABS-CBN kung sino-sino ang Kapamilya stars na itatatampok sa Aawitin Ko at Isasayaw Mo. Malamang ay mapapabilang ito sa Christmas presentations ng Ballet Philippines.

Ang tiyak na ay si Bibeth Orteza ang susulat ng script ng pagtatanghal, at ang magdidirehe ay si Paul Alexander Morales, ang mismong artistic director ng Ballet Philippines. Ang sasaliw sa mga sayaw at awit sa pagtatanghal ay ang ABS-CBN Orchestra sa pamumuno ni Gerard Salonga, nakababatang kapatid ni Lea Salonga, isa sa mga hurado sa The Voice ng ABS-CBN.

Oo nga pala, ang ABS-CBN Orchestra rin ang sasaliw sa pagtatanghal ng Ballet Philippines ngayong October 21-23 ng Simoun, ballet adaptation ng El Filibusterismong ating national hero na si Jose P. Rizal. Sa gabi ang pagtatanghal. (Actually, may kakambal na Crisostomo Ibarra ang Simoun, at sa hapon naman ito itinatanghal, pero ibang grupo ang sasaliw sa mga mananayaw.)

Tungkol naman kay Bibeth, alam n’yo na sigurong siya ang paboritong scriptwriter ni Vic Sotto para sa kanyang mga pelikula at TV shows. Alam n’yo rin bang si Bibeth ay misis ng filmmaker at ngayo’y theater director na ring si Carlos “Carlitos” Siguion Reyna? Last weekend ngayon ng Isang Panaginip sa Gitnang Tag-araw, adaptasyon sa Filipino ng A Midsummer Night’s Dream ni William Shakespeare.

Nasa cast ng Isang Panaginip ang film-TV actress na si Jackielou Blanco, misis ng actor-TV director na si Ricky Davao.

Oo nga pala, may anak sina Bibeth at Carlitos na comedian, si Rafa Siguion Reyna, na nasa cast din ng Isang Panaginip na sa Little Theater ng CCP ipinalalabas ng Tanghalang Pilipino.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …