Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Friendship nina Glaiza at Benjamin, ‘di nag-swak kaya ‘di nagkatuluyan

TINANONG si Glaiza De Castro kung ano ang reaksiyon niya sa napapabalitang relasyon nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose? Dati kasing na-link si Glaiza kay Benjamin.

“Okey naman . Basta ako, kung saan naman sila masaya. Wala naman akong karapatan para maging Pirera sa kanila,” mabilis niyang sagot.

“Friend ko naman silang pareho,” dagdag pa niya.

Sino ba ng umayaw o nagkaayawan na lang?

“Parang na-realize namin na hindi talaga. Hindi pala lahat ng friends ay swak talaga for relationship,” sey pa niya.

Bakit hindi nagswak? May nakita ba siya?

“Hindi lang siguro timing din,” tugon niya.

Mga ilang months?

“Pabugso-bugso kasi.Hindi ko na maalala. Hindi ko naman kasi na-imagine na maga-attempt siya, ha!ha!ha!,” sey pa ni Glaiza.

Naging supportive naman daw si Benjamin noon bilang kaibigan. Hindi naman daw sila umabot sa relationship. Wala na raw silang communication ngayon.

Zero ang lovelife niya at nagbirong  busy raw ang lovelife niya.

Anyway, may charity showcase at fan meet ngayong Oktubre 22 si Glaiza. Beneficiary niya ang Philippine General Hospital Pediatric Cancer ward. Hindi lang ito rock-rock-an at kantahan kundi bonding din sa fans na magsisimula ng 6:00 p.m. sa UP Cine Adarna sa Magsaysay Avenue, Diliman, QC.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …