MALAKING factor si Pauleen Luna kung bakit maganda ang aura ni Vic Sottoat parang hindi tumatanda.
“She’s always been very supportive to me kahit bago pa naman kami ikasal. Mas lalo na noong magsama na kaming dalawa. At ‘yun ‘yung mga quality niya na talagang naibigan ko,” pahayag niya nang makatsikahan ng press sa launching ng bago niyang endorsement na Chooks To Go.
Waiting na rin silang magkaroon ng baby pero walang pressure, relax lang muna. Na kay Lord na raw kung kailan sila bibiyayaan. Ini-enjoy muna raw nila na silang dalawa lang muna. Nagro-road trip daw sila sa mga lugar na malapit lang sa Maynila para pansamantalang makapag-relax at makalayo sa stress sa trabaho.
Samantala, kilabot ng mga mommy si Vic dahil sa survey siya ang mabenta sa mga nanay kaya kinuha siyang endorser ng Chooks To Go. Maraming moms ang kinikilig sa kanya dahil sa kanyang kapogian,
Tinanggap din ni Vic ang endorsement na ito dahil una niya itong natikman kay Pauleen noong magdala siya sa Eat Bulaga.
Boom!
TALBOG – Roldan Castro