Saturday , February 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Grade 9 student tiklo sa carnapping (Malapit sa Malacañang)

ARESTADO ang isang Grade 9 student ng Ramon Avanceña High School makaraan tangkang tangayin ang isang Honda scooter na nakaparada sa Dentistry Science Building ng Centro Escolar University sa Concepcion Aguila St., malapit sa panulukan ng Rafael St., San Miguel, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Anti- Carnapping Section ang suspek na si  Juhary Casan, alyas Pogi, 19, residente sa Arlegui St., Quiapo, Maynila, sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Law of 1972 sa Manila Prosecutors Office, ng biktimang si Yves Louise Rebulado,19, estudyante ng CEU, at residente sa Floresca St., Pandacan, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ryan Paculan, ng MPD-ANCAR, dakong 11:45 am nang maaktohan ng lady guard na si Sabrina Jean Melic na pinaaandar ang Honda scooter ng biktima kaya agad inaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Julyn Formaran )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Arrest Posas Handcuff

15 taon nagtago
Most wanted ng CALABARZON tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person sa Regional Level sa ikinasang manhunt …

FreaK Accident LRT

23-anyos graduating student patay sa ‘freak accident’ 

ni ALMAR DANGUILAN SA BIYERNES pa ang a-trese, pero kahapon, Miyerkoles 11 Pebrero, isang matatawag …

P47-M illegal yosi 2 abandoned van

Sa patuloy na follow-up ops
P47-M ilegal at puslit na yosi nasamsam sa 2 abandanong van

NASABAT ng mga awtoridad ang dalawang van na naglalaman ng mga ilegal at puslit na …

Car pasalo Scam

Sangkot sa ‘pasalo scam’ pick-up truck nabawi sa NE

NABAWI ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang 2018 Nissan Navara pick-up na …

Onion Sibuyas Shabu Baril Gun

Prente lang pala  
Ahente kuno ng sibuyas timbog sa boga’t droga

NASAKOTE ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad na nakompiskahan ng …