Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katawang nakagigigil ni Polo, mae-expose sa Hercules

PANGARAP n’yo bang mapanood si Polo Ravales up close and personal in a sexy outfit?

Alam n’yo na naman sigurong mas kagigil-gigil pa ang katawan ni Polo ngayon. Kasi nga ay naghahanda siyang gumanap bilang Hercules sa isang musical play na itatanghal sa Star City sa Setyembre.

Maraming movements na gagawin si Polo sa pagtatanghal dahil musical ‘yon. Sing and dance ang machong aktor! Magiging exposed na exposed siya halos sa kabuuan ng musical dahil siya ang lead actor ng pagtatanghal.

Alam n’yo na rin sigurong Greek mythological character lang si Hercules. ‘Di siya totoong tao na gaya ni Antonio Luna.

Tatlong araw lang ang pagtatanghal: September 15-17, kaya mag-ipon na kayo ng pambili ng tiket. Happily, kahit tatlong araw lang ang show, three times-a-day naman: 10:00 a.m., 2:00 p.m., at 7:00 p.m..

For tickets, please contact 0917-5643718, 0917-8294503, 0927-7515726 and TICKETWORLD at 891-9999.

Para roon sa hindi pa nakaaalam, magkaiba ang Star City Theater at Aliw Theater bagam’t nasa iisang mahabang building sila na katabi lang ng CCP. Nasa magkabilang dulo ng building ang Aliw at Star City Theater. Maganda at malamig ang Star City Theater bagamat mas maliit ito kaysa Aliw.

Oo nga pala, kung handa kayo financially, panoorin n’yo rin ang Pedro Calungsod (The Musical) na nagtatampok kay Gerard Santos bilang ang pangalawang Filipino na ipinroklamang santo ng Vatican. Ingles ang musical na itatanghal sa St. Cecilia’s Hall ng St. Scholastica’s College sa Agosto 27, 6:00 p.m.. For tickets, call or text 09330372855.

Sakaling di n’yo alam kung nasaan ang St. Scholastica, nasa likod lang ito ng Dela Salle-St. Benilde College sa Taft Avenue at P. Ocampo, Manila ang P. Ocampo ay mas kilala pa rin sa luma nitong pangalan na Vito Cruz, na matagal nang pinalitan kaya P. Ocampo na ang street sign.

Kung wala pa kayong budget para makapanood ng ano mang may bayad na show, watch na lang kayo ng pelikulang Ari na nagtatampok kay Ronwaldo Martin, younger brother ni Coco Martin na ang galing daw sa Cinemalaya entry na Pamilya Ordinaryo bagamat ‘di pinalad na magwaging Best Actor sa katatapos lang na festival.

Libre, walang bayad ang panonood sa Ari sa National Museum mula Agosto 25 up to 28, 2:00 p.m.. Alam n’yo na sigurong libre na rin ang pagpasok sa National Museum (na malapit lang sa Manila City Hall, sakaling di n’yo pa alam).

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …