Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FHM! No! No! No! No! — Anne

00 fact sheet reggeeMASKI na anong imbita ng FHM men’s magazine kay Anne Curtis Smith ay hindi nila mapapa-oo ang aktres.

Nakausap namin si Anne sa shooting ng pelikulang Bakit Lahat Ng Gwapo ay May Boyfriend handog ng Viva Films at si Jun Lana ang direktor.

Ang katwiran ng dalaga, “eversince I became a UNICEF advocate for Children, talagang iniwasan ko na ‘yon. I think for films, puwede.

“Medyo nag-lie low na rin ako. At saka, parang its about time na rin, na pagdating mo na sa 31, siguro dapat ibigay mo na sa iba.

“But if its called for, let’s say, for a film, okey lang siguro. Pero ‘yung mga magazine na nagpapaano, no na lang, hindi.

“The only men’s magazine na nag-pose ako ay ang Rouge. FHM! No! No! No! No!”

Matagal na palang iniimbita si Anne na mag-post sa nasabing men’s mag, “A long, long time ago, when they asked me na they always asked me naman na baka gusto ko. Pero, hindi talaga, eh. Pero, kung magagawa nila na everyone else in that magazine is covered, baka puwede.

“Pero, hindi ko talaga kaya, But I don’t have anything against sa women na nagagawa ‘yon sa magazine, that’s their choice, pero ako, ayoko talaga!”

Baka hindi type ni Anne na pinapantasya siya ng kalalakihan.

“Hindi sa ganoon. Hindi mo maa-avoid ‘yon. Kung mga nakabihis sila na two-piece lang, okey lang. pero ‘di ba, ang ‘FHM’, it’s a little bit more skin than usual, ‘di ba?” paliwanag ng dalaga.

Samantala, maganda rin ang hubog ng katawan ng little sister niyang si Jasmine Curtis Smith, papayag ba siya kung alukin siyang mag-pose sa FHM.

“It’s her own personal decision, pero siyempre ayoko. Kakausapin ko ‘yon. Hija, mag-usap muna tayo. Pero, she already did ‘Esquire’, at iba pang magazines. Puwede naman ang mga bikini’s ‘pag fashion magazines. Okey lang ‘yon,” katwiran ni Anne.

Pero kampante raw si Anne na baka hindi tanggapin ni Jas (palayaw) ang FHM offer sakaling alukin, “medyo mas manang siya kaysa akin, ha, ha, ha, mas daring ako noong bata ako. Noong 22 ako, mas daring ako.”

Tama naman.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …