Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FPJ’s Ang Probinsyano, consistent winner sa ratings game ng Kantar-Media at AGB Nielsen

00 fact sheet reggeeNAGISING na si Jaime Fabregas bilang si Police Chief Superintendent Delfin S. Borja o mas kilala bilang si Lolo Delfin ni Coco Martin kaya tiyak na magbubunyi ang lahat ng nalungkot sa pagkakabaril sa kanya ni Cesar Montano na inakalang patay na.

Dahil sa pigil-hiningang episode na ito kay Lolo Delfin nitong nakaraang linggo ay hindi binitiwan ng manonood ang FPJ’ Ang Probinsyano aksiyong serye ni Coco kaya naman consistent winner sa ratings game mula Kantar-Media o AGB Nielsen.

Hiningan namin ng ilang komento ang mga mahihilig manood ng serye na talagang bukas ang telebisyon mula umaga hanggang gabi at iisa ang sinasabi nila.

Paliwanag sa amin, “ganito lang ‘yan, kung ano ‘yung naumpisahan mong panoorin, doon ka na, hindi ka na bibitaw, bakit ka pa maglilipat ng channel kung nasimulan mo na ang isang palabas?

“Puwedeng manood ng bagong programa kapag hindi mo na gusto ang pinanonood mo o boring na, at saka ka maglilipat ng channel.

“Sa analysis ko ha, heto lang ‘yan Reggs, ang ‘Ang Probinsyano’ kasi, pang masa, all sexes, all ages pa, at higit sa lahat, aksiyon.

“Eh, alam mo naman ngayon, maraming mahilig sa aksiyon, mapa-babae man, lalo na ang mga lalaki, siyempre tapos lume-level (sumasabay) pa sila sa nangyayaring krimen ngayon na hinuhuli mga adik, so ‘di ba, magandang panoorin.

“Tapos patok din sa bata dahil kina Onyok at MacMac, kaya ano pa hahanapin mo, ‘di ba? Pasok sa lahat ang ‘Ang Probinsyano’ ni Coco. Hindi lang naman si Coco ang pinanonood doon, lahat sila may kanya-kanyang kuwento.”

Sabi naman ng mga nanoood ng Encantadia ay nagandahan naman talaga sila lalo na raw sa effects.

“Maganda naman, pero alam mo ‘yun, hindi mo siya tututukan kasi iba ‘yung kuwento, lumang panahon, eh, ano na ba tayo ngayon, siyempre ang gusto natin, ‘yung kasalukuyan.

“Bukod pa sa hindi mo naman kilala ‘yung ibang artista if you’re not a GMA viewer, so ‘pag nilipat mo, magtatanong ka, ‘sino ‘yun, sino siya, sino sila?’

“Kulang kasi ang GMA sa push sa mga artista nila kaya hindi kilala ‘yung iba, maliban sa mga luma, of course sinong hindi makakakilala kina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Sunshine Dizon, tapos si Sexbomb si Rochelle (Pangilinan)?

“Good thing maraming nakakakilala na kina Kylie Padilla at Glaiza de Castro, eh, sino ‘yung Gabbi at Sanya ba ‘yun?

“Well, Rocco Nacino kilala rin because of Lovi Poe, ‘di ba away-bati sila? Siyempre si Solenn Heussaf kilala dahil matagal na siya, at imposibleng hindi mo makikilala si Heneral Luna (John Arcilla), ha, ha. Kidding aside, medyo hindi kami maka-relate sa ‘Encantadia’.”

Sa mga hindi nakapanood sa unang Encantadia, eh, hindi nga makare-relate sa pagbabalik nito.

Abangan ang episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano ngayong linggo dahil ang bagong misyon ay ang pagpatay sa mga aso sa pangunguna ni Emilio Garcia at ang pagpasok ni Vice Ganda na bagong makakalaban din ni Coco.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …