NGAYON ang unang araw ng pagpapalabas ng unang pagsasama nina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa pelikula, ang How To Be Yours na handog ng Star Cinema.
Ang How To Be Yours ang isa sa pinakamalaking romantic-drama ng season na ito na idinirehe ni Dan Villegas at isinulat nina Hyro Aguinaldo at Patrick Valencia.
Ang istorya ng How To Be Yours ay isang modernong love story an nakasentro kina Anj (Alonzo) at Nino (Anderson)—dalawang magkaibang tao na may kanya-kanyang mga pangarap sa buhay. Magkikita sila ng ‘di inaasahan at kapwa mahuhulog ang kanilang mga puso sa isa’t isa. Ito ang magbabago sa kanilang mga buhay. Parehong magbabago ang kanilang pagkatao habang tumatagal ang kanilang pagmamahalan. Hahapin nilang dalawa ang katotohanan na susubok sa kanilang relasyon: ang mga dahilan kung bakit nila minahal ang isa’t isa ay sapat na upang ipagpatuloy ang kanilang pag-iibigan.
Sinasabing hitik sa romansa at luha ang How To Be Yours at nangangakong isa na namang ‘di malilimutang cinematic na nagpapakita sa mga katotohanan ng modernong romantic relationships—ang mga ups at downs, ang maganda at ‘di maganda, at ang mga nangyayari matapos ang mga kilig moments ng bawat magkasintahan.
Kaya maging bahagi ng pagmamahalan nina Bea at Gerald, magtungo na sa mga sinehan para mapanood ito na palabas na ngayon.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio