Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JaDine fans, nagmamarakulyo sa Yes!; KathNiel fans, gumawa ng fake cover ng Most Beautiful

NAGING matatag lalo ang AlDub noong sinu-shoot ang Imagine You & Me. Nagagawa na rin nilang ibahagi sa isa’t isa ang mga personal nilang buhay. Matapos nga naman ang isang taong journey nila bilang magkapareha, nakadama na rin sila ng ups and downs, subalit nananatili silang matatag.

“Nakatulong ‘yung past experiences namin sa relationship namin ngayon,” pahayag ni Alden.

“Para lalo kaming naging strong,” sambit pa niya.

Hindi nga nila maiwasan na ma-imagine minsan na sa bandang huli ay sila pa rin ang magkakatuluyan.

“It’s always constant imagination. Pero, siyempre sa sobrang lalim mong mag-imagine, minsan nagkakatotoo na eh. Feelings na lang ang magpapaliwanag sa relasyon naming dalawa ni Maine,” sey pa ni Alden.

“Minsan hindi lang fantasies ng mga supporter namin. Minsan, fantasies din namin. Napapanaginipan ko nga na si Alden ang pinakasalan ko, eh!ha!ha!ha!,” pag-amin naman ni Maine.

Samantala, napili rin sina Alden at Maine na cover sa Most  Beautiful Stars 2016. Nagmamarakulyo ang mga fan ng JaDine kung bakit natalo sila. May isyu raw ba ang Yes! kay James? May galit din ba si James sa naturang magazine dahil pagkalkal noon sa pagkaka-link niya kay Julia Barretto?

Hindi rin sports ang ilang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Hindi nila ma-take na natalo ng AlDub ang Kathniel. Ang the height gumawa pa umano sila ng cover ng fake Most Beautiful magazine.Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …