Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Japanese vessel sumadsad sa Cebu diving spot

CEBU CTY – Binalaan ng Philippine Coast Guard (PCG) Cebu ang pamunuan ng cargo ship mula Japan, na sila ay pananagutin kung sakaling lalabas sa imbestigasyon na mayroong nasirang bahagi ng karagatan sa Monag Shoal, five-nautical miles ang layo sa Malapascua Island, makaraang sumadsad pasado 6 a.m. kahapon.

Ayon kay Philippine Coast Guard-Cebu station commander Agapito Bibat, makaraan matanggap ang impormasyon mula sa Hagnaya Sub-station kaugnay sa pagsadsad ng barkong Belle Rose na may kargang semento, agad tumungo ang kanyang mga tauhan sa lugar.

Sinabi ni Bibat, isang protected area ang Monag Shoal kaya tinitingnan nila ang posibleng oil spill at pagkasira ng coral reefs.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang assessment na ginagawa ng mga awtoridad sa kabuuang pinsala nito.

Dagdag ng Coast Guard, nakarating na rin sa lugar ang isang barko na tutulong sa pag-unload ng mga semento mula Belle Rose.

Ang cargo vessel ay patungo sa Bayan ng San Fernando, Cebu para mag-deliver ng mga semento mula Japan.

Napag-alaman, ang sumadsad na barko ay mayroong 29,000 tonage, 182.98m length at 32.25m width.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …