Friday , November 15 2024

Sahod ng PNP, AFP members itataas sa P50K

PINAG-AARALAN ni President-elect Rodrigo Duterte na itaas ang sahod ng mga militar at pulis sa bansa.

Sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano, maaaring gawing P50,000 ang sahod ng mga miyembro ng AFP at PNP.

Nais aniya ng Davao City Mayor na tuparin ang naipangako niya noong kasagsagan ng kampanya at umaasa na maisakatuparan bago ang Pasko basta suportado ng Kongreso.

Dagdag ni Cayetano, sakaling gumanda ang lagay ng ekonomiya sa bansa ay isusunod nilang itaas ang sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Kinakailangan kasi ng karagdagang P70 bilyon, P50 bilyon dito ay para sa active personnel habang P20 bilyon ay para sa retired officers, sakaling maipatupad ang nasabing dagdag sahod.

Sinabi pa ng senador, naisumite na nila ang proposal sa incoming presidente at kay incoming PNP chief Ronald dela Rosa para ito ay pag-aralan at kanila itong isususumite sa budget secretary.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *