Thursday , June 4 2026

Bahay ng drug pusher ni-raid ng NPA

BUTUAN CITY – Pinasok nang nagpakilalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang bahay ng isang hinihinalang drug pusher sa Brgy. Pianing sa lungsod ng Butuan kamakalawa.

Iginiit nang nagpakilalang amasona na si Ka Sandara, mula sa tinaguriang Guerilla Front Committee 21 ng NPA, ni-raid nila ang bahay ng isang kilalang drug pusher sa Brgy. Pianing sa lungsod ng Butuan.

Pinasok ng grupo ang bahay ni Lito Pilisan, may asawa, asset ng pulisya. Nakuha mula sa kanyang bahay ang mga drug parapheralia at isang yunit ng kalibre .45 pistola na may mga bala.

Ayon kay Sandara, matagal na nilang isinailalim sa surviellance ang suspek dahil sa pagbebenta ng bawal na gamot, base na rin sa natanggap nilang mga reklamo.

Idiniin din niyang magsasagawa sila nang sunod-sunod na pagsalakay laban sa mga sangkot sa krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …