Friday , November 15 2024

Kelot ginising, niratrat tigbak

PATAY ang isang construction worker makaraan gisingin at pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktimang si Elmer Gaspar, 28, ng Purok 6, Hernandez St., Brgy. Catmon.

Habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo sa krimen at pagkakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas.

Sa imbestigasyon ni PO2 Benjamin Sy Jr., dakong 11 p.m. habang natutulog ang biktima kasama ang live-in partner na si Suzzete Angcon sa kanilang barong-barong nang may tumawag kay Gaspar sa labas.

Bumangon ang biktima upang alamin kung sino ang tumawag ngunit makalipas ang ilang sandali ay sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ni Angcon.

Paglabas niya ay natagpuan niya ang biktimang nakahandusay na duguan at wala nang buhay.

Base sa salaysay sa pulisya ng nakababatang kapatid na babae ng biktima, dati nang nakulong si Gaspar dahil sa insidente ng pagholdap sa Navotas City.

Aniya pa, miyembro ang biktima ng grupo ni alyas Jake na bumaril at nakapatay sa kalabang grupo na “Bulabog” noong nakaraang taon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *