Friday , November 15 2024

NP, PDP-LABAN pumirma na sa Senate coalition

PINALALAKAS na ni President-elect Rodrigo Duterte ang kanyang partido at mga koalisyon na siyang susuporta sa kanyang mga radikal na reporma.

Ito’y makaraan magpirmahan sa kanyang harap sa Davao City ang Nacionalista Party at PDP-Laban sa tinaguriang “Coalition for Change.”

Mismong ang party president na si dating Senate president Manny Villar ang lumagda sa panig ng NP, gayondin si Sen. Koko Pimentel bilang presidente ng PDP-Laban.

Magugunitang tumakbo si Duterte sa nakalipas na halalan sa ilalim ng PDP-Laban, habang ang kanyang ka-tandem na si Sen. Alan Peter Cayetano ay miyembro ng Nacionalista.

Dumalo rin sa lagdaan si Sen. Cynthia Villar at anak si Rep. Mark Villar.

Kung maaalala, ang iba pang miyembro ng NP sa Senado na naglaban-laban din sa halalan ay sina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Bongbong Marcos.

Lumakas ang mga prediksiyon na ang lagdaan ay simula na nang ‘realignment’ ng politika sa Senado.

Si Pimentel ang lumutang na susunod na Se-nate president.

Gayondin, si Cayetano ang pagiging kalihim ng DFA o DOJ makalipas ang isang taon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *