Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reklamo ng NAMFREL aksiyonan (Panawagan ni Lim sa Comelec)

SA gitna ng paghahanda para pormal na kuwestiyonin ang pagkakaproklama kay dating Pangulong Joseph Estrada bilang mayor ng Maynila ng Manila board of canvassers, nanawagan ang kampo ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Commission on Elections (Comelec) na aksiyonan ang reklamo ng National Movement for Free Elections (NAMFREL) na sinasabing hindi sila binigyan ng ‘full access’ sa random manual audit (RMA) na isinagawa sa Maynila.

Ang RMA ay proseso na ginagamit upang malaman kung may pagkakaiba sa automated at manual na bilangan ng mga boto.

Samantala, nagsagawa si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ng ‘thank you’ motorcade nitong weekend upang pasalamatan lahat ng sumuporta sa kanya nitong nakalipas na halalan.

Hindi bababa sa isang libong volunteers, kasama na ang daan-daang motorcycle riders mula sa iba’t ibang grupo na naka-base sa Maynila, ang kabilang sa mga sumama sa nasabing motorcade.

Nang makita ang nasabing motorcycle riders na pawang naka-dilaw, naglabasan ang mga residente na nag-aabang sa kalye nang malaman na dadaan si Lim, upang siya ay mainit na tanggapin.

Karamihan sa mga residente na nag-abang at sumalubong kay Lim kung hindi umiiyak ay mas mariin ang pag-flash ng ‘L’ sign o ‘di kaya ay binabati si Lim nang nakasara ang kamao.

Sinasabi nila na huwag isuko ang laban, sa paniwalang siya ang tunay na nanalo sa halalang ginanap noong Mayo 9.

Ani Lim, isinagawa niya ang motorcade upang magpasalamat lamang sa mga taga-lungsod na bumoto sa kanya at sa patuloy na pagtitiwalang ipinakita sa kanya at pagkuwestiyon mismo sa naging resulta ng bilangan sa Maynila.

Samantala, binanggit ng legal counsel ni Lim na si Renato dela Cruz, ayon kay Eric Alvia ng NAMFREL, ilang tauhan nila ang pinigilan o hinarang upang hindi makapanood sa pagsasagawa ng RMA sa kabila na ang NAMFREL ang official observer ng RMA, na ginagawa para matiyak na tama ang bilang ng vote-counting machines (VCMs).

Sinabi rin aniya ni Alvia na ilang election officers sa Maynila ang nagmamaang-maangan na hindi alam ang ukol sa audit.

Ayon sa isang newspaper report, nagreklamo ang NAMFREL personnel na naka-assign sa Maynila nang sila ay sabihan na hindi pa nag-uumpisa ang audit ngunit kalaunan ay nalaman nilang tapos na pala ito.

Ilan sa sinasabing palusot ng election officers ay pagod na ang mga teacher o walang party representatives.

Ipinunto ni Alvia, sa ilalim ng batas, bagong set ng mga guro –at hindi ‘yung mga nagsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) noong araw ng eleksiyon, ang dapat magsagawa ng RMA. Hindi rin aniya kailangan naroon ang party representatives sa audit.

Ayon pa kay Alvia, nang magpunta ang kanilang mga tao sa presinto ay pinaalis lamang sila. Hindi umano alam ni Alvia kung ano ang nangyayari, sabay hayag ng pagdududa na maaaring may mga tao na ginugulo ang RMA para sa kanilang sariling motibo.

Ang pag-monitor sa mga RMA ay ginagawa ng NAMFREL upang matiyak na tama ang bilang ng counting machines.

Bilang isa sa safeguards sa ilalim ng RA 9369 (Election Automation Law), layon din ng RMA na siguruhin ang integridad ng resulta ng automated election at maging katanggap-tanggap ito sa publiko.

Ito ay dapat magsimula makaraan ma-transmit lahat ng mga boto na ginagawa nang mano-mano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …