RATED R
ni Rommel Gonzales
ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video clip na lumabas online na kuha mismo sa kasal nina Kim Molina at Jerald Napoles sa Amorita Resort sa Bohol.
Sa mismong reception kasi, noong unang in-introduce ang newlyweds, ang lumabas mula sa stage ay sina Kim at Alden Richards.
Kunwari pa nga na magki-kiss ang dalawa habang tumutugtog ang God Gave Me You, pero sumigaw ang mga host kay Kim na si Alden iyon, si Jerald ang pinakasalan niya.
Kuwela pa ngang ayaw pa munang bitiwan kunwari ni Kim si Alden.
Bumalik sa backstage si Kim at paglabas matapos i-introduce muli ay ang KimJe na nga ang lumabas, pero sina Kim at Gerald Anderson.
Muling nagsigawan at nagtawanan ang mga guest pagkakita kay Gerald na bisita rin sa wedding.
Nagbiro pa nga si Kim sa boss ng Viva Films na si Vincent del Rosario, look test
daw iyon.
So ang next project kaya ng Viva ay pelikula nina Kim at Gerald? Puwede.
Nang muling bumalik si Kim sa backstage at muling in-introduce, KimJe na ang lumabas, ang totoong groom na nga na si Jerald pero ang Kim na kasama niya ay si Kuya Kim Atienza na muling umani ng halakhakan at sigawan.
Sa pang-apat na introduction sa mga bagong kasal ay ang tunay na bride at groom na ang lumabas.
Bukod kina Alden, Gerald, at Kuya Kim, nasa wedding din sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin, at Yassi Pressman.
Samantala, matapos ang kanilang kasal at honeymoon ay sasabak na ang KimJe sa promo ng pelikula nila sa Viva Films, ang “
Wonderful Nightmare na ipalalabas sa mga sinehan sa March 25.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com