Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derrick Monasterio Elle Villanueva Boy Abunda

Derrick tinalikuran pagiging babaero 

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAPURI-PURI  si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito.

Sa recent guesting kasi nila ng girlfriend niyang si Elle Villanueva sa Fast Talk With Boy Abunda ay umamin si Derrick na may kinakausap pa siyang ibang mga babae habang nabubuo na ang relasyon nila ng aktres.

At nang makita ni Derrick ang halaga at importansiya ni Elle sa buhay niya ay huminto na ito sa pakikipag-date sa ibang girls.

Before kami mag-workshop, nag-message ako sa kanya sa Instagram. Kaso hindi ako ni-reply-an,” ani Derrick.

Lahad naman ni Elle, “Nag-reply siya sa story ko ng mga emoji na hot, ganyan. 

“Hindi ko siya pinapansin kasi may boyfriend ako noon.”

Hanggang dumating sa punto na nag-message na rin si Elle sa binata, “Andiyan ka na ba sa workshop?”

Ikinatuwa siyempre ito ni Derrick.

Pero bawi ni Elle kay Derrick, “Feeling ka talaga. Alam mo, kumalma ka.

“Nag-message lang ako, Tito Boy, kasi gusto ko sanang mag-cancel kasi wala akong tulog. Galing akong taping that time. So tinatanong ko, ‘Tuloy ka ba?’ Kasi kung hindi ka tuloy, hindi na rin sana ako tuloy,” sinabi ni Elle.

Birong-totoo pa ni Elle, mahilig daw mag-assume si Derrick noon na may gusto siya rito.

Pero feeling niya, ngayon na nag-uusap kami, akala niya type ko siya. My gosh, what?”

Umamin naman si Derrick na nakikipag-close siya kay Elle noon kahit nakikipagkita siya sa ibang babae.

Before, Tito Boy, noong time na parang nagiging close na kami. Kasi siyempre, bata pa ako, lumalandi pa ako sa iba. Tapos nagagalit siya sa akin. Wala kaming label. Ang sama ko sa kanya noon,” kuwento ni Derrick.

Nabisto ito ni Elle kaya hindi na niya pinansin si Derrick, at doon na-realize ni Derrick na si Elle ang mahal niya.

Kasi lagi kaming nag-uusap. Tapos hindi niya ako kinausap. Bigla na lang siya na hindi nag-message sa akin. 

“Tapos doon ko na-realize na, ‘Hala, mas gusto ko pala ito. Ititigil ko na itong mga ginagawa ko,’”pagbabahagi pa ni Derrick.

Si Elle ay walang ibang idine-date na lalaki that time.

No, I wasn’t. Hindi ko kaya. Pero, kasi that time, nagbibigay siya ng mga signal na ‘yung hino-holding hands niya ako. Tapos, ‘Bakit?’ Naisip ko, ‘Ano ‘to? 

“Method acting?’ Gusto niya parang kami. Behind the scenes sobrang sweet niya. Binibilhan niya ako ng kung ano-ano. Talagang parang nanliligaw.

“Pero pagdating sa labas, makikita ko, ‘Ay, may kasama siyang ibang girl.’ So sabi ko, Okay sige, I’ll play your game, ‘Ikaw ang mahuhulog sa akin.’ Hindi ko siya pinansin. Ayan, nahulog. Hindi ko siya pinansin,” pagpapatuloy ni Elle.

And then, nag-message siya. Long message. Hindi ko pa rin pinansin. Bahala ako sa buhay mo. Tapos, hanggang sa, parang sincere na talaga siya na ‘I’ll do everything. Magbabago ako.’ and all that.

“Siyempre, hindi pa rin ako naniwala. Sabi ko, sige, try natin. One week, ‘I’ll give you a chance.’ Pero hindi pa rin ako buong-buong loob na bumalik sa kanya.” kuwento ni Elle.

Pero si Derrick, binago na niya ang kanyang sarili.

Tito Boy, to be fair, noong sinabi ko ‘yun, complete turn around talaga.

“Siguro that time, hindi ko pa talaga nakikita ‘yung totoong value ni Elle noong time time na ‘yun.


“Pero noong nakita ko na, I got to know her a little deeper. Doon na ako nagbago na talaga.”

Bida sina Derrick at Elle sa Kapuso Afternoon Prime drama na Apoy Sa Dugo, kasama si Ashley Ortega, 4:05 p.m. sa GMA Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Coco at Julia may bagong serye

MATABILni John Fontanilla MAY bagong serye si Coco Martin na alay sa kanyang mga loyal supporter, ang Sigabo dahil …

Heart Evangelista Heart World

Heart patuloy pagtulong sa mga batang may sakit sa dugo, mga aso at pusa

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKITA sa pilot episode ng season 2 ng Heart World last Saturday ang magkaibang …

Jasmine Curtis Smith Topacio

Jasmine ‘di nagpatinag kay Topacio: Dugyot ka! 

I-FLEXni Jun Nardo HINDI tinanggap ni Anne Curtis ang apology ni Cong Bong Suntay. Mas acceptable sa aktres ang …

Jemille Bituin Simple Lang

“Simple Lang,” debut single ng bagets na si Jemille Bituin

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG bagets na si Jemille Bituin ay isang budding singer at ang debut …

Yuki Sonoda Tony Labrusca Kelley Day

Yuki Sonoda, happy sa pagpasok ng “All About Her” sa Sinag Maynila 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Yuki Sonoda na sobrang saya niya nang nalamang ang …