Monday , March 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Ronald Carballo

Jojo Mendrez ipinatitigil pagpapalabas ng interview niya kay Direk Ronald Carballo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY nagtsika sa amin na sa naging guesting pala ni Jojo Mendrez sa isang vlogger ay naging awkward daw ang sitwasyon at tila na-offend dito ang tinaguriang Revival King.

Ang siste, dahil tipong no-holds barred ang nasabing tsikahan, kaya animo nagkagutay-gutay daw ang pagkatao ni Jojo sa naturang interview ni direk Ronald sa kontrobersiyal na recording artist, sa vlog nitong pinamagatang “Direkwentuhan”.

Hindi pa malinaw ang tsika, pero balita namin ay nag-walked out daw dito si Jojo dahil sa mga mapangahas at masyadong personal na tanong sa kanya ni Direk Ronald.

Anyway, bakit din naulinigan namin na komukonsulta raw si Jojo sa kanyang abogado hinggil sa usaping ito? Aabot pa ba sa demandahan ang mga bagay na ito?

Ano naman kaya ang reaction ni direk Ronald sa nangyaring ito, na gustong ipatigil ang pagpapalabas ng kanilang tsikahan ni Jojo?

Ang OPM singer at socmed personality na si Jojo, ay sadyang madalas masuot sa konrobersiya, lately. Kilala siya sa pamumudmod ng pera sa madlang pipol, pero senstive rin pala siya kapag personal na bagay na ang pinag-uusapan ukol sa kanya. 

Well, abangan na lang ang susunod na kabanata!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ramil Omosura

Pinoy-Canadian Idol Ramil Omosura balik recording

MATABILni John Fontanilla MULING magbabalik-recording ang Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura na ilang taon ding …

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Glenda Dela Cruz Ogie Diaz

Stroke survivor Miss Glenda ininterview ni Ogie Diaz, sinagot pag-uugnay kay Zaldy Co

NOONG nakaraang taon, nakikipaglaban ang skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas …

Kip Oebanda Odette Khan

Veteran actress Odette Khan bumubuti na ang kalagayan

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY ng update ang writer-director ng Bar Boys na si Kip Oebanda sa kalusugan ng veteran …

Dr Michael Raymond Apacible Aragon Salome Salvi Tiyo Bri

Adult content creater Salome Salvi idinemanda ng KSMBPI 

I-FLEXni Jun Nardo NAKU, sinampahan na ng reklamo ang sexy actress turned adult content creator …