Friday , June 12 2026
Vince Tañada Joel Lamangan Louie Ignacio

Direk Joel, Vince, at Louie, pabor na babaan bayad sa mga sinehan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG mga award-winning directors na sina Joel Lamangan, Vince Tañada, at Louie Ignacio ay pabor na babaan ang bayad sa mga sinehan.

Ito ang nabanggit ng tatlong director noong mediacon ng 8th Sinag Maynila filmfest nang tanungin kung sa palagay ba nila, kapag mas mura ang tiket ay mas marami ang manonood?

Mabilis na tugon ni Direk Joel, “Oo, matagal ko nang sinasabi iyan na mataas ang bayad ng tao sa sinehan, kaya isa iyan sa dahilan kung bakit lumalayo ang tao sa sine. Kung bababaan ang presyo ng sine ay baka mas marami ang manood.”

Esplika ni Direk Vince, “Siyempre po, matagal ko na rin pong ipinaglalaban, kasi napakarami na po ng platforms ngayon para magpalabas, pero ‘yung theatrical release pa rin, we want to have a theatrical release… Kahit na, sabi ko nga, coming from the world of theater, sa teatro po kasi ay nagsimula na iyan at it caters only for the elite.

“Kaya what I did with PhilStagers, binabaan ko talaga iyong ticket prices, kaya nakakapanood po lahat, pati mga estudyante.”

Wika pa ni Atty. Vince, “Kaya iyan din po iyong gusto kong ipaglaban sa pelikula, na sana ay mas bumaba, kasi iyan ang pinakanakatatakot, na pati ang pelikula ay maging para sa elitista na lang.”

Pahayag naman ni Direk Louie, “Actually, ako ay nasa television e, nararamdaman namin sa television ang paglipat ng viewers. Lumilipat sila, nasa telepono na silang lahat, sa social media. Minsan bumababa na ang mga… Ganoon din kasi sa mga cinema, sa theaters,  

“So ngayon, kung patuloy na magmamatigas ang theater owners sa presyo nila, talagang pababagsakin nila ang industriya ng pelikula. Kaya ako roon sa ibaba n’yo (ang bayad sa cinema), pero bibigyan namin kayo ng magagandang pelikula.”

Ang tatlong batikang direktor ay may entry sa Sinag Maynila. Anim na pelikula ang mapapanood sa full length category, kabilang dito ang “All About Her” ni Direk Joel,  “Ang Bangkay” (The Embalmer) ni Direk Vince, “Desperada” ni Direk Louie, “Pinikas” ni Direk Cris Fuego,  “Sweet Escape” ni Direk Rommel C. Ricafort, at “Lanaya” ni Direk Clyde Capistrano.

Ang All About Her ay isang drama tungkol sa hiwagang bumabalot sa pagkamatay ng isang beauty queen. Tampok dito sina Yuki Sonoda, Kelley Day, at Tony Labrusca. Kasama rin sa cast sina Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, at Jim Pebanco.

Ang “Ang Bangkay” (The Embalmer) ay isang trahedya tungkol sa mga lihim na bumabalot sa bahay ng isang biyudong embalsamador. Bahagi ng cast sina Vince Tañada, Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lili Montelibano, Mercedes Cabral, Juan Calma, Sarah Javier, at iba pa.

Kuwento ng isang babaeng biktima ng pananamantala na kinupkop sa isang mental asylum ang Desperada. Pinagbibidahan ng VMX star na si Robb Guinto, tampok din sa cast sina Yasser Marta, Mhack Morales, Sue Prado, Mercedes Cabral, Marife Necessito, Julianne Richards, Adda Musni, at Jorge Guda.

Ang Sinag Maynila ay itinatag ng movie producer na si Wilson Tieng ng Solar Studios, Inc. Kasama rito ang award-winning filmmaker at Cannes Best Director na si Brillante Mendoza bilang Festival Director.

Ito ay mapapapanood sa mga piling sinehan sa Metro Manila simula ngayong Lunes, March 23, hanggang 29. Kabilang dito ang mga sinehan sa Gateway Cineplex, Eastwood Cinemas, Uptown Cinemas, Venice Cineplex, at Lucky Chinatown Cinemas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jos Garcia Nolo Lopez

Jos Garcia and Nolo Lopez nominado sa 17th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang Pinay international singer na nakabase na sa Japan na si Jos …

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PAni Rommel Placente LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Sue Ramirez

Sue malaki ang impluwensiya ng Project Baby sa kanyang growth bilang babae 

BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa …