Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jemille Bituin Simple Lang

“Simple Lang,” debut single ng bagets na si Jemille Bituin

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG bagets na si Jemille Bituin ay isang budding singer at ang debut single niya ay pinamagatang “Simple Lang.” 

Ang newbie singer na ito ay 11 years old at grade 5 sa Hankins Learning School International. Si Jemille ay nakatira sa San Fernando, Pampanga at Jem ang tawag sa kanya ng mga kaibigan.

Ang kanyang single ay isinulat ni Zillah Cabarles at out na ito sa Spotify, YT, at iba pang streaming platforms. Ito ay tungkol daw sa crush lang na biglaan at biglaang kinilig and after that ay nawala rin naman agad. Kaya may line raw dito na, ‘Simple lang, no pressure, no demand’.

Bata pa lang ba ay hilig na niya ang pagkanta?

Tugon ni Jemille, “Actually po, bata pa lang po ako ay kumakanta-kanta na ako. Bale, naging dream ko po ang pagiging singer noong unang nakasali ako sa isang singing contest at ginawa ko pong inspirasyon ang pagkakataon na iyon upang lalo pang paghusayan at idevelop ang aking pagkanta.” 

Lumaki at nagkaisip si Jemille sa United Arab Emirates (UAE) dahil ang kanyang parents na sina Jeremy Bituin at Joyce Camille Bituin ay kapwa OFW doon. Bata pa lamang, naging tapat na kasama na niya ang musika at palagi siyang napapaligiran ng mga himig at ritmo.

Ang kanyang hilig sa pagkanta ay tunay na nag-alab nang matuklasan niya ang galing sa pagtatanghal noong sumali siya sa kanyang unang kompetisyon sa edad na lima. Mula noon, nagsimula na siyang humanap ng mga pagkakataon upang maibahagi ang kanyang boses sa iba. ​

Dahil dito, naging masaya siya sa pagsali sa mga contest at nagtagumpay sa iba’t ibang singing competitions sa buong UAE. Pinili ni Jemille na bumalik sa Pilipinas upang ituloy ang isa pa niyang pangarap – ang magkaroon ng pagkakataong makapag-perform sa isang musical o Broadway setting.

Ngayon ay unti-unti niyang tinatamasa ang kanyang pangarap. Siya ay bahagi na ng 2025-26 Season ng adaptasyong musikal ng KAPI (Kid’s Act Philippines) na ‘Maria Makiling.’ Siya rin ay narinig na sa iba’t ibang istasyon ng radyo at nagkaroon ng exposures sa TV tulad ng mga programa sa Net 25 at Eat Bulaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …