Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi nila ine-expect na magiging napaka-succesful ng kanilang reunion concert na noong una ay wala palang gustong mag-produce.

Pahayag ni Ms. Sunshine, “From the start wala kaming expectation, kaya ganoon na lang kami ka-emotional na nagawa naming maging successful ‘yung concert. So, sobrang happy po, blessed, at grateful sa lahat ng blessings na ito.”

Itong concert na Get Get Aw!, sa abroad naman hahataw? “Yes may mga out of the country na rin kami, first time mangyayari na lahat kami magkakasama sa ibang bansa. Sobrang blessed kami, grateful sa lahat ng nangyari at super-happy kami na marami pa rin ang naghintay sa amin at nag-gain pa kami ng mga bagong fans.

“Pero pinaka-thankful kami kay Lord talaga, na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati.”

Ano ang most memorable experience niya as a SexBomb member?

Esplika ng misis ni Bulacan VG Alex Castro, “Maraming memorable bawat show, bawat punta namin sa work may mga nangyayari. Pero siguro isa na roon ‘yung nawala kami sa Eat Bulaga and ‘yung ngayon, itong pinakatumatak sa akin – iyong nagawa namin ‘yung concert from round 1-5, na sold out namin.”

Nagpasalamat din si Ms. Shine kay Joy Cancio at sa Eat Bulaga.

“Thankful ako sa kanya, dahil wala kami rito ngayon kung hindi rin dahil sa kanya at sa Eat Bulaga. Sila ang dahilan kung bakit may SexBomb.”

Pati na rin sa kanyang mister na si VG Alex at sa kanilang fans.

Sambit ni Sunshine, “Sobrang thankful ako kay God na binigyan ako ng responsableng lalaki, very supportive, mapagmmahal, at marespeto siyang mister. Hindi siya naging madamot sa happiness ko.

“At sa lahat po ng fans ng SexBomb, maraming salamat sa lahat ng naghintay at mga bagong nagmahal sa amin. Laging sinasabi ng fans na binigyan namin sila ng magandang gift dahil sa concert na ito, pero para sa akin, ‘yung mga fans ang nagbigay nang napakagandang regalo sa amin na ite-treasure namin hanggang sa pagtanda namin.

“Kung sakaling iko-closed na namin ‘yung libro ng SB, alam namin ngayon na maisasara namin na punong-puno nang pasasalamat at pagmamahal sa lahat. Natapos na rin namin ‘yung unfinished business namin,” madamdaming sambit pa ni Ms. Sunshine.

Anyway, abangan ang mga out of town at out of the country concerts ng SexBomb.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Archi Adamos hinangaan sa kapirot na patikim sa Pater Noster

HARD TALKni Pilar Mateo TAGA-SYRIA ang direktor. Na nabuo ang kamalayan sa bayan ni Uncle …

Music Travel Love

Music Travel Love inihayag Philippine Tour sa Hunyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KINIKILALA ngayon bilang pinakamahusay at powerful social media presence ang Canadian …