DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos bumagsak ang isang civilian helicopter sa Brgy. Quisao, bayan ng Pililla, lalawigan ng Rizal, nitong Martes, 3 Marso.
Nabatid na sakay ng helicopter ang limang pasahero kabilang angd dalawang dayuhan, bago ito bumagsak sa talahiban dakong 7:20 ng umaga kahapon.
Dumating ang mga first responder sa pinangbagsakan ng helicopter dakong 7:40 ng umaga.
Idineklarlang dead on the spot ang isa sa mga pasahero, habang nasa kritikal na kondisyon ang dalawa, at bahagyang nasugatan ang dalawang iba pa na kasalukuyan nang nasa ligtas na kalagayan.
Dinala ang apat na sugatang pasahero sa Rizal Provincial Hospital, sa bayan ng Morong upang malapatan ng karampatang medikal na atensiyon.
Samantala, ipinahayag ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Eleazer Barber, Jr., na patuloy ang imbestigasyon kaugnay sa insidente.
Aniya, “Patuloy ang koordinasyon ng ating kapulisan sa mga kinauukulang ahensya upang matukoy ang sanhi ng insidente at matiyak ang kaligtasan ng publiko. Magbibigay po tayo ng karagdagang impormasyon sa sandaling maging available ang opisyal na resulta ng imbestigasyon.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com