Thursday , June 4 2026
Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan nang bumangga ang isang truck sa isang multicab saka tuluyang bumulusok sa ilog na sakop ng New Zigzag Road, Sitio Amao, Barangay Silangang Malicboy, sa Pagbilao, Quezon, kahapon ng umaga.

Sa ulat na natanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, inaalam pa ang pangalan ng namatay na pahinante ng truck habang ang driver ng multicab na binawian rin ng buhay ay kinilalang si alyas Jhay-Ar ng Tubigan, Bohol.

Kasalukuyang ginagamot sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City ang iba pang biktima na may grabeng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan kabilang ang driver ng truck at ang pahinante ng multicab na kinilalang si alyas Renel.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pagbilao Police, dakong 10:00 ng umaga, binabagtas ng isang 10-wheeler truck mula Atimonan patungong Lucena City ang kahabaan ng Maharlika Highway ngunit pagsapit sa palusong na bahagi ng kalye ay nawalan ng preno at sumalpok sa nakaparadang multicab na kargado ng mga prutas.

Bumangga ang truck sa isang puno ng niyog saka tuluyang nahulog sa ilog.

Mabilis na nagresponde ang mga residente na malapit sa aksidente at pinagtulungan alisin ang mga naipit na driver ng dalawang sasakyan at ang dalawa nilang pahinante saka mabilis na isinugod sa ospital ngunit dalawa ang idineklarang dead on arrival.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …