Monday , March 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bocaue Bulacan Police PNP

Sa P3.2-M robbery sa Bocaue
Miyembro ng ‘Rizal group’ timbog

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Bocaue MPS at Bulacan PPO Provincial Intelligence Unit, nitong Sabado, 28 Pebrero, ang isa sa mga suspek sa insidente ng nakawan kung saan natangay ang mga kagamitang nagkakahalaga ng tinatayang P3.2 milyon, sa Barangay  Turo, bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue MPS, naganap ang insidente dakong 7:20 noong Miyerkoles ng gabi, 25 Pebrero sa Villa Zaragoza, sa nabanggit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon, apat na armadong lalaki na nakasuot ng itim na jacket at mask ang sapilitang pumasok sa lugar at tinutukan ng baril ang mga biktima, at tinangay ang mga alahas at cell phonse na nagkakahalaga ng halos P3,296,500 bago tumakas sakay ng isang kotseng sedan.

Agad nagresponde ang mga operatiba ng Bocaue MPS at nagsagawa ng malalimang imbestigasyon at koordinasyon sa Bulacan PPO Provincial Intelligence Unit.

Sa isinagawang backtracking at forward tracking, natukoy ang ginamit na getaway vehicle na isang puting Honda City, may plakang ABT-5774.

Sa patuloy na koordinasyon sa iba pang operating units, natuklasan na ang nasabing sasakyan ay sangkot din sa mga kahalintulad na insidente ng robbery sa Parañaque at karatig lugar, at iniuugnay sa isang grupong kriminal na kilala bilang “Rizal Group.”

Sa isinagawang follow-up operation at pag-trace sa kinaroroonan ng mga suspek, natukoy ang pagkakakilanlan ng dalawa sa kanila na kapwa residente sa Tanay, Rizal, na positibong itinuro ng biktima sa isinagawang pagkilala.

Sa pamamagitan ng intelligence-driven operation, nagawang makipag-ugnayan ng mga operatiba sa isang suspek matapos itong mag-post sa social media ukol sa nawawala nitong plaka ng sasakyan kamakalawa.

Nagpanggap ang mga operatiba bilang nakapulot ng nasabing plaka upang makipagkita sa suspek sa Tanay MPS, sa Rizal.

Sa naturang lugar, agad nakilala ng isa sa mga saksi ang suspek na isa sa mga armadong sangkot sa robbery, dahilan upang ito ay agad na maaresto sa ilalim ng hot pursuit operation.

Matapos ang wastong dokumentasyon, dinala ang naarestong suspek sa Bocaue MPS kasama ang puting Honda City na ginamit sa krimen para sa karagdagang imbestigasyon.

Sa isinagawang pagkilala ng pangunahing biktima, muling kinompirma ang pagkakasangkot ng suspek sa insidente at natukoy rin ang iba pang mga biktima na pawang residente sa Villa Zaragoza, Barangay Turo, Bocaue, Bulacan.

Sa patuloy na imbestigasyon, positibong kinilala ang isa pang suspek sa pamamagitan ng mga nakuhang larawan at testimonya ng mga biktima.

Samantala, ang kaso laban sa naarestong suspek at sa kaniyang mga kasabwat ay naisampa na sa Office of the Provincial Prosecutor sa Malolos City noong Sabado.

Ayon kay P/Col. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, patuloy ang isinasagawang manhunt operation laban sa iba pang sangkot sa krimen. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

P4P DENR Mindoro Oil Spill

Fossil fuels itigil
Katarungan para sa Mindoro, Oil spill pangutin sa polusyon

QUEZON CITY — Nagmartsa patungong tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang …

Paeng Nepomuceno SSS

PH Athletes hinimok maging SSS contibutors ng Bowling ‘GOAT’

HINIMOK ni six-time World champion at World Bowling Hall of Famer Rafael “Paeng” Nepomuceno ang …

fetus sewage NAIA

Fetus sa sewage facility ng eroplano nadiskubre

NATAMBAD sa mga awtoridad ang isang fetus sa loob ng sewage treatment facility ng isang …

PDEA BoC Customs

Gera vs droga pinaigting pa ng PDEA, BOC

HIGIT na pinaigting ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BoC) ang …

SCO LTFRB A and B Liner

PUV passengers 3 oras pinaghintay, LTFRB nag-isyu ng SCO vs bus company

PINAGPAPALIWANAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasabay ng pagpalabas ng Show Cause …