Saturday , March 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Archi Adamos

Archi Adamos sinuportahan pag-amin ng anak na LGBT member

RATED R
ni Rommel Gonzales

PASABOG ang pag-amin ng character actor na si Archi Adamos na may anak siyang babae na miyembro ng LGBTQIA+ community.

I have seven children. There are two girls. “Actually, one girl is not a real girl. The rest are boys.

“No offense, I call her balake. She was a girl, as far as I’m concerned. She was a girl until she graduated high school.

“But right after high school, noong pumasok na siya sa P.U.P. [Polytechnic University of The Philippines] parang nagkaroon ng gender shift.

“Siyempre akala ko, marami siyang dinadala sa bahay, mga friend na babae.

“Only for me to realize na ‘yung iba pala roon, nanliligaw sa kanya.

“And then after sometime, after several years, iba naman ‘yung kanyang dinala.

“Sabi ko, ‘Sino naman ito ngayon?’ Sabi niya, ‘Girlfriend ko.'”

“‘So ano ka ba talaga ngayon?’ She mentioned to me a gender which I can no longer remember.

“So para bang, ‘O sige, okay lang. Kung ano talaga ‘yung gusto mo, roon ka.

“Importante, happy ka riyan and wala kang depressive stage.’

“Pero mayroon din siya, honestly speaking. She goes through that.”

Ano ang maipapayo niya sa ibang mga magulang na may anak na tomboy o bakla?

Malaking isyu kamakailan si Alvin Aragon na may stepdaughter na isang transgender na may isyung pagkuwestiyon ni Alvin sa pagpapalaki nina K Brosas, Gloc-9, at Ian Veneracion na may mga anak na miyembro ng LGBTQIA + community.

It’s just to believe in what they say and for them to believe you as a father na iga-guide mo sila ng maayos.

“Magbibigay ka ng advice na sa tingin naman nila sensible or bagay sa takbo ng kanilang pag-iisip. Ganoon ang tingin ko.

“Best thing to do is just be yourself. Be honest, be truthful to them, because they see you as you are.

“They can see through you lalo na kapag nag-age ng kaunti,” pahayag ni Archi.

Samantala ay bida sina Archi at Aaron Villaflor sa Pater Noster, with Kayley Carrigan, sa panulat at direksiyon ni Moutaz Kotrob at mula sa LGK Films at Viva Films.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa March 25, 2026.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Senakulo 2026 Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo

Senakulo 2026: Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo,  
Mas personal na paglalakbay ng pananampalataya tampok na danas  

NAGBAHAGINAN ng kanilang mga naramdaman ang ilang dumalo sa paunang-silip ng Senakulo 2026: Ang Sanhedrine …

Gigi De Lana

Gigi de Lana drama raw pagkahimatay? Promoter desmayado 

MA at PAni Rommel Placente TOTOO bang sinadya ng singer na si Gigi de Lana ang pagkahimatay …

Robb Guinto Desperada

Robb Guinto ‘di nag-hysterical, kapuri-puri acting sa Desperada

MA at PAni Rommel Placente HINDI lang paghuhubad ang alam gawin ni Robb Guinto sa pelikula kundi …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Rhen aminadong nahirapan ilabas funny side ni Aemie, Direk Fifth to the rescue

RATED Rni Rommel Gonzales LABIS ang pasasalamat ni Rhen Escaño kay Fifth Solomon na direktor ngViva One series na My Husband …

Sa Likod Ng Tsapa Editha Ging Caduaya

Docu film ni Caduaya patuloy na kinikilala abroad

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at pagpapakilala ng kanyang …