Wednesday , February 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Charo Santos

Barbie natulala, nagpaka-faney kay Ms Charo

RATED R
ni Rommel Gonzales

NATULALA si Barbie Forteza nang una niyang nakaharap si Ms. Charo Santos-Concio.

Naaalala ko po talaga noong aming storycon po, si Ms. Charo po ang huling dumating. Kaya ‘yung parang tingin ko talaga sa kanya, ‘Hala, si Mama Mary!’

“Ganoon! ‘Andito na siya, totoo na ito!’

“So parang, sabi ko talaga, ‘Okay Barbie, kalma, kalma, aktor ka rito huwag kang ma-starstruck,’ ganyan.

“Pero siyempre hindi ko po napigilang hindi magpa-picture dahil lagot ako sa nanay ko ‘pag hindi ako nagpa-picture, bilin na bilin,” at tumawa si Barbie.

Pero working with Ms. Charo as my grandmother, I really felt the connection with her and maybe it’s because she was so generous.

“Na magkasama po kami sa dressing room at grabe po napaka-generous niya in terms of ‘yung simpleng tsika, malaking bagay po ‘yun.

“‘Yung pag-share ng kanyang stories and experience, actually malaking bagay po na si direk Brillante talaga in-insist niya na sabay-sabay kaming kumain during breaks dahil doon lang namin nakikilala talaga ang isa’t isa personally.

“Kaya malaking bagay ho iyon kasi mas nagkakaroon ako ng deeper understanding of who they really are outside the industry.

“And so, naging madali po para sa akin na makatrabaho si Ms. Charo dahil napakagaan po niyang tao, napakasaya niyang kasama, walang kaere-ere and very generous and reliable na aktor po.

“So I’m very honored dahil siya po ang aking lola at ako po ang kanyang apo,” bulalas pa ni Barbie.

Gaganap silang mag-lola sa Until She Remembers na kasama rin sina Boots-Anson-Rodrigo, at sina Angle Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Carlitos Siguion-Reyna, Perla Bautista, Angel Latorre, Bianca Kierulf, at marami pang iba.

Ipalalabas sa mga sinehan sa Pebrero 25, mula ito sa Solar Studios Inc. at Center Stage Productions, executive producer Wilson Tieng, sa panulat at direksiyon ni Brillante Mendoza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Izzy Trazona Alvin Aragon Sunshine Garcia Alex Castro

Mga asawa nina Sexbomb Izzy at Sunshine ikinukompara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pa ring netizen ang nagkukompara sa mga naging asawa nina Sexbomb …

Rufa Mae Quinto Kitchie Nadal Ogie Alcasid Sharon Cuneta YFSF

Sharon, Ogie kinuwestiyon ng netizens pagkatsugi ni Rufa Mae sa YFSF

HINDI man talaga singer pero marami pa rin ang nagsasabing kung wala si Rufa Mae Quinto sa Your …

Michelle Dee Xian Gaza

Michelle Dee nagsampa ng cyber libel complain vs. Xian Gaza

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGSAMPA sa NBI–Cybercrime Division nitong Lunes, February 16, ang actress-beauty queen …

KimPau Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim may inamin sa bulaklak na bigay ni Paulo: nakaka-girl, napapa-happy ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG paligoy-ligoy at walang kagatol-gatol na inamin ni Kim Chiu na galing sa …

KimPau Kim Chiu Paulo Avelino

HALIKANG WALANG ALIBI KimPau mas mapangahas, matapang

ni Allan Sancon MAS masaya at mas kampante sina Kim Chiu at Paulo Avelino nang humarap sa media sa …