Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheryl Cruz Tina Paner Manilyn Reynes Triplets

Triplets may reunion project sa GMA

RATED R
ni Rommel Gonzales

USO ang reunion ngayon sa showbiz, ang latest ay ang napaka-successful na concert series ng SexBomb Girls.

Maging sa mga loveteam o tandems ay uso ang reunion. Nagsama rin sa concert sina Sharon Cunetaat Gabby Concepcion noong October 2023 gayundin sa pelikulang Ex Ex Lovers sina JolinaMagdangal at Marvin Agustin noong February 2025.

Wala kayang plano na magkaroon din ng reunion project sina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta?

Sa akin my door has aways been open, alam iyan ni Ateng,” pagtukoy niya sa manager niyang si Rams David ng Artist Circle talent management

For the fans it has always been open.”

Sumikat nang husto ang loveteam nina Sheryl at Romnick noon sa That’s Entertainment na nagbunga ng pagsasama nila sa maraming pelikula tulad ng Puso sa Puso (1988), Langit at Lupa (1988), Everlasting Love (1989), Mundo Man Ay Magunaw (1990), at Kung Tayo’y Magkakalayo (1991). 

Pero may pasabog na ibinulgar si Sheryl.

And actually one thing that I would like to share with the fans right now, hindi kayo madi-disappoint kasi magsasama-sama na kami ng Triplets. So, abangan niyo ‘yan!”

Ang Triplets ay ang sikat na trio nina Sheryl, Tina Paner, at Manilyn Reynes.

At ang tinutukoy ni Sheryl na reunion project nilang tatlo ay isang TV series.

Mayroon silang show ngayon, so hintay-hintayin niyo makikita niyo na rin ako riyan,” rebelasyon pa ni Sheryl na hindi muna nagbigay ng mga detalye tungkol dito.

Sigurado, marami ang matutuwa na sana ay mag-concert din sila ng Triplets.

Ngumiti si Sheryl bago sinabing, “Mapag-uusapan naman iyan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Yuki Sonoda Tony Labrusca Kelley Day

Yuki Sonoda, happy sa pagpasok ng “All About Her” sa Sinag Maynila 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Yuki Sonoda na sobrang saya niya nang nalamang ang …

Ramil Omosura

Pinoy-Canadian Idol Ramil Omosura balik recording

MATABILni John Fontanilla MULING magbabalik-recording ang Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura na ilang taon ding …

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Glenda Dela Cruz Ogie Diaz

Stroke survivor Miss Glenda ininterview ni Ogie Diaz, sinagot pag-uugnay kay Zaldy Co

NOONG nakaraang taon, nakikipaglaban ang skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas …

Kip Oebanda Odette Khan

Veteran actress Odette Khan bumubuti na ang kalagayan

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY ng update ang writer-director ng Bar Boys na si Kip Oebanda sa kalusugan ng veteran …