Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan

Andrew Gan movie producer na, may malasakit sa movie workers

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG ganap na movie producer na ang aktor/businessman na si Andrew Gan. Ito’y via the movie “Scissors” na mapapanood very soon sa Viva apps.

Dito makikita talaga ang mindset ni Andrew, na talagang business minded ang aktor.

Actually, nabanggit na ito sa amin ni Andrew, ilang months na ang nakalipas, Finally, sumabak na nga siya sa pagiging producer at nakatapos na ng isang pelikula.

Nagkuwento si Andrew tungkol sa kanilang pelikula, “Scissors po ang title ng movie, baguhan ang bida rito, sina Rianne and Allison.

“GL (girl’s love) ang tema ng movie, hahahaha! Dalawang babae na nagka-inlaban po.

“Ang director po ay si Direk Christopher Novabos. Ang creative writer ay si Lawrence Nicodemus. Ang business partners po natin ay sina David, Ryann, and Kristoffer. Ito ay mula sa The Good Bois Production.”

Aniya pa, “Masakit din sa ulo, pero masaya kasi nakapagbibigay tayo ng work sa mga kasama sa showbiz industry.”

Si Andrew ay isang versatile na aktor, bukod sa paglabas sa TV at pelikula, pati teatro ay napapanood din siya.

Ano ba ang feeling na first time siyang nag-produce ng movie?

Esplika ni Andrew, “Excited tito and fulfilling kasi nakapagbibigay po tayo ng work and opportunity sa industry na kinabibilangan natin, aside sa pagiging artista.”

Napag-usapan din namin na kapag ganyang app, sure na naman na may outlet na mapapanood ang kanilang pelikula.

Aniya, “Opo tito, hindi masyadong malaki (ang ROI) pero at least ay may sure na bibili na. So, ang goal na lang is dapat tuloy-tuloy ang paggawa.”

So ito na ang start, after this plano niyang tuloy-tuloy na sa pag-produce ng movies?

“Yes tito. Tuloy-tuloy po ang pitching namin and ang paggawa ng film para more opportunity din sa mga tao sa industry. Ang sarap kasi sa pakiramdam iyong nakatutulong tayo,” nakangiting sambit pa ni Andrew.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …