Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED R
ni Rommel Gonzales

SOBRANG lakas talaga ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime.

Base sa overnight NUTAM People ratings ng Nielsen Phils. noong January 5, nagtala ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ng 9.5% combined rating sa GMA at GTV–malayo sa mga katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo (6.4% combined rating sa A2Z at Kapamilya Channel) at Totoy Bato (2.8% combined rating sa TV5 at One PH). 

Patunay lang na bongga talaga ang suporta na ibinibigay ng mga manonood at fans sa serye.

Sa online world naman, tuloy din ang usapan at theories sa mga pasabog na eksena. May mga nagbabalik mula sa nakaraan habang nagpapatuloy naman ang istorya ng mga bagong Sang’gre na sina Flammara (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali). 

Ngayong linggo, haharapin naman nila ang mapanlinlang na ilusyon ni Gargan (Tom Rodriguez) sa tulong ng mga Kambal-Diwa. 

Malinlang na nga kaya ng tuluyan si Terra? 

Samantala, magiging hadlang kaya ang pag-amin ni Adamus ng kanyang damdamin kay Deia sa kanilang misyon?

Abangan tuwing weeknights, 8:05 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream, at 9:45 p.m. sa GTV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …