Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bam Aquino Sexbomb

Bam Aquino mainit na tinanggap sa SexBomb concert

NAKAKUHA ng mainit na pagtanggap si Sen Bam Aquino mula sa manonood sa pagdalo niya sa Get Get Aw! The SexBomb Concert rAWnd 3 sa SM Mall of Asia Arena.

Sa pagpapakita niya ng suporta sa sikat na early-2000s girl group, malakas na sigawan at palakpakan ang sumalubong kay Sen. Bam at kanyang asawang si Timi habang papunta sa kanilang upuan at sinamahan ang sold-out crowd sa panonood ng blockbuster concert.

Ilang beses ding sumigaw ang maraming manonood ng “SexBam!” na kombinasyon ng pangalan ng grupo at pangalan ng senador – at hinamon pa si Sen. Bam na ipakita ang kanyang dance moves.

Naglaan din ng panahon si Sen. Bam — na nakaupo sa tabi ni Arthur Solinap, asawa ni SexBomb leader Rochelle Pangilinan, at kanilang anak na si Shiloh — para makipag-selfie sa manonood bago magsimula ang concert.

Bago ang concert, bumisita rin si Sen. Bam at kanyang misis na si Timi sa dressing room ng SexBomb na nagkaroon ng pagkakataong makapagpakuha ng larawan kasama ang mga miyembro ng grupo.

Ready na mag-Get, Get, Aw!” wika ni Sen. Bam sa Facebook.

Nagbahagi rin ang senador ng ilang larawan mula sa concert, kasama ang caption na: “GV muna after a long week. Fan mode muna at naki-Get, Get, Aw! sa early-2000s pop icons na SexBomb. Maraming salamat at congrats sa isang napakasaya at very successful na Rawnd 3!”

Sa hiwalay na post, nagbahagi rin si Sen. Bam ng video collage na nagpapakita ng tampok na parte ng event.

Napasabak sa pag-Get, Get, Aww kagabi sa SexBomb Concert Rawnd 3. Sobrang enjoy! So far, okay pa naman ang likod ko,” wika niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …