Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Tirador ng mga karinderya sa Bulacan
HOLDAPER NAPERDE SA TUGIS NG PULIS

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang tirador ng mga karinderya sa operasyong isinagawa sa bayan ng Pandi, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 9 Pebrero.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Sean Logronio, acting chief of police ng Pandi MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Mar, 45 anyos, residente sa Barangay Bagong Barrio, sa nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigasyon, pumasok ang suspek sa isang karinderya at nagdeklara ng holdap, saka tinangay ang cellphone at cash ng biktima.

Samantala, habang nagsasagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga intel operatives ng Pandi MPS sa nasabing lugar ay napansin nila ang komosyon sa naturang establisimiyento kaya agad silang nagresponde.

Tumakas ang suspek ngunit matapos ang mabilis na pagtugis ng mga operatiba ay naaresto at nabawi ang mga tinangay na gamit, kabilang ang cellphone at pera ng biktima.

Narekober din mula sa suspek ang isang replica ng baril na Springfield Armory 1911 A1 cal. .45 at isang kulay pulang Mitsukoshi MC na dinala sa Pandi MPS para sa wastong disposisyon.

Inihahanda na ang kasong Robbery/Holdup at paglabag sa RA 10591 laban sa suspek para sa pagsasampa sa Prosecutor’s Office sa Malolos City.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pandi MPS ang naarestong suspek na sinasabing notoryus sa panghoholdap ng mga karinderya sa Pandi at iba pang bayan sa Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

DOST 12 SOCCSKSARGEN iHubs

DOST Strengthens Regional Startup Ecosystem Through the Rollout of iHubs Across SOCCSKSARGEN

AS part of its continuing efforts to strengthen the startup ecosystem across the country, the …