Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Sotto, Ping, ‘bastonero’ ng Palasyo sa impeachment ni Sara

SIPAT
ni Mat Vicencio

NGAYON pa lang, marami ang nagsasabing ‘guilty verdict’ ang inaaasahang resulta ng impeachment complaint  na isasampa sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Tito Sotto at ng best friend niyang si Senate Pro Tempore Ping Lacson.

Halata ang galawan ng dalawang senador lalo nang kuwestiyonin ni Sotto ang Korte Suprema sa desisyong ideklarang unconstitutional ang naunang impeachment complaint laban kay Sara.

Ang reklamo ni Sotto laban sa nasabing Supreme Court resolution ay lumalabas na panawagan na magkaroon ng Charter Change para mapigilan ang Korte Suprema sa pagdagdag ng mga requirements ng isang impeachment complaint.

Pero para sa ibang senador, ang isinusulong na Charter Change ay halatang diskarte raw ni Sotto dahil meron pang natitirang dalawang taon bago matapos ang 20th Congress. Malinaw na ayaw ni Sotto na masibak bilang Senate President.

Mas lalo sigurong kinabahan si Sotto nang pumutok ang tsismis sa Senado na papalitan siya ni Senator Loren Legarda bilang Senate President.

At sa gitna ng kaliwa’t kanang ‘marites’ sa Senado, lumitaw naman ang isang dokumento sa media na inirerekomenda ng Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Ping ang pagsasampa ng mga kaso laban kina Senator Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, at Joel Villanueva.

Sa ngayon, wala pang recommendation ang DOJ o ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso laban sa tatlong senador. Nagmumukhang hearsay testimony o haka-haka lamang ang basehan ng recommendation ng Blue Ribbon Committee.

Siguro, alam na ni Ping na ‘di naman talaga makalulusot ang nabanggit na recommendation dahil ang hina ng basehan. Dahil diyan, biglang sumulpot ang draft sa mga committee members para iparating ang naratibo na may nagbabadyang Senate coup.

May pahabol pa si Ping, na ang draft committee report ng Blue Ribbon ay maaari raw magbago pero hindi ang substance. Gulo mo!

Abangan na lang natin ulit, baka tumakbo sa 2028 si Ping for president at si Tito sa vice president.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …

Firing Line Robert Roque

Ang Panganib ng mga Landfill

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG tanging dahilan kung bakit tila hindi gaanong pinapansin …

PADAYON logo ni Teddy Brul

People Power revisited:
Ang kapangyarihan ng masa at dominasyon ng elitista

Ang mga larawan ay mula sa file photos ni Romeo Mariano. “KUMUSTA na, ayos pa …

YANIG ni Bong Ramos

Death penalty ibalik laban sa krimeng karumal-dumal at pandarambong sa bayan

YANIGni Bong Ramos TILA wala na yatang takot sa Diyos at sa batas ang mga …

Sipat Mat Vicencio

Pro-Sara senators ‘pipilayan’ ng Malacañang

SIPATni Mat Vicencio NGAYONG nagdeklara na si Vice President Sara Duterte na kakandidato siya sa …