Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martin Romualdez

Romualdez, nanawagan ng pagkakaisa sa Lakas-CMD para isulong priority bills ng Marcos Administration

MAYNILA — Nanawagan ngayong araw si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa mga miyembro ng Lakas-CMD na magkaisa at bilisan ang pagpasa sa mga priority bills ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang pangunahing pokus ng partido ay gawing ganap na batas ang mga programa ng Pangulo sa pamamagitan ng disiplina at maayos na kooperasyon sa loob ng Kamara.

Ayon kay Romualdez, nakatutok ang Mababang Kapulungan sa kanilang tungkulin sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Bodjie Dy, na siyang nangunguna sa pag-usad ng mga panukalang inirekomenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Sinabi niya na ang pagtutulungan ng partido at ng kasalukuyang liderato ay mahalaga upang matugunan ang mabigat na trabaho sa Kamara at masegurong maipatutupad nang maayos ang mga layunin ng administrasyon.

Binigyang-diin ni Romualdez ang mahalagang papel ni House Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos sa pagpapanatili ng ugnayan sa pagitan ng House leadership at ng majority bloc. Aniya, ang ganitong klaseng kolaborasyon ay kailangan para sa mabilis at organisadong pagpasa ng mga batas. Bilang kinatawan ng unang distrito ng Leyte, muling ipinangako ni Romualdez ang kanyang dedikasyon sa paggawa ng mga makabuluhang batas na magsusulong ng inklusibong pag-unlad at proteksiyon sa kapakanan ng publiko.

“Bilang mga mambabatas, pangunahing responsibilidad natin ang magpasa ng mga batas na direktang magpapabuti sa buhay ng ating mga kababayan,” ani Romualdez. “Todo ang suporta ng Lakas-CMD sa legislative priorities ng Pangulo at handa kaming makipagtulungan kay Speaker Bodjie Dy at sa lahat ng lider ng mga partido sa Kamara. Sa limitadong oras na mayroon tayo, ang pinakamahalaga ay manatili tayong nakapokus sa mga batas na magbibigay ng tunay na benepisyo sa mga Filipino — ito ang paraan upang makatulong tayo sa pagbuo ng isang mahalagang legasiya para sa administrasyong ito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …