Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

KyumterPH, boses ng konsyumer at komyuter

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

KyumterPH. Sino ba ang grupong ito? Ano ba ang kanilang layunin? Ang pangalang kyumter ng grupo ay mula sa pinagsamang salita na Kilos Konsyumer at Komyuter.

Ayon kay Isagani Bogabel, tagapagsalita ng grupo, ang Kyumter  ay magiging boses ng konsyumer at komyuter na manggigising sa gobyernong tila nagbibingi-bingihan sa karaingan o kasalukuyang hinaing ng milyong konsyumer at komyuter.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na tayong lahat ay kabilang sa kabuuan – konsyumer at komyuter. Sino ba ang hindi konsyumer sa atin at sino rin ba ang hindi komyuter sa atin?

Sa kasalukuyan ay nahaharap ang mga Filipino sa sobrang taas ng mga bilihin – ang basic needs ay halos araw-araw na lamang tumataas. Nandiyan din ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na isa sa pangunahing dahilan kung bakit pataas nang pataas ang mga bilihin. Kahit nga ang presyo ng pinakasimpleng gulay ay apektado – kangkong na dati ay P5.00 kada tali  ngayon ay P15.00-P20.00. Bakit? Dahil sa produktong petrolyo – tumaas ang gastusin ng mga nagbabagsak ng gulay sa mga palengke dahil sa tumaas din ang presyo ng mga  produktong petrolyo – gets n’yo?  Ganoon na rin sa iba pang pangunahng bilihin.

Pagdating naman sa problema ng mga komyuter – hayun, sa sobrang trapik, lantang gulay na ang mga manggagawa pagdating sa trabaho maging sa pag-uwi sa bahay dahil sa sobrang trapik at walang sapat na sasakyang pampubliko…at marami pang ibang problema patungkol sa karaingan ng mga komyuter.

Sa nasabing karaingan, ani Bogabel kung kaya nabuo ang grupo para siyang manggising sa pamahalaan na binabalewala ang kalagayan ng mga konsyumer at komyuter. Masyado silang abala   sa ibang bagay – ang burukrasya.

Anang grupo, masyadong nakatuon ang atensiyon ng pamahalaan sa awayan at hindi sa kapakanan ng tao. Sa pamamagitan ng KyumterPH – mananawagan sila ng konkretong aksiyon kaugnay sa araw-araw na pinoproblema ng mga konsyumer at komyuter.

Tulad ng lunas sa trapiko – hindi isang pangako ang lunas. Katunayan anila, dahil sa trapik ay malaki ang nawawala sa ekonomiya P3.5 bilyon kada araw.

Ayusin ang PUV modernization – ang kakulangan ng masasakyan ay bunga ng palpak na implementasyon ng modernization program – matapos ang walong taon, 20% pa lang ang accomplishment sa route rationalization.

Sugpuin ang kolorum na naglipana kaya nananawagan sila sa LTFRB, MMDA at PNP para sa konkretong aksyon.

“Ang KyumerPH ay nabuo dahil naniniwala kami na mahina ang tinig ng mamamayan kung tayo ay watak-watak. Bilang mga konsyumer ng serbisyo ng transportasyon, tayo ang nagpapatakbo sa ekonomiya, kaya dapat tayong pakinggan ng mga policy-making body,” pahayag ng grupo.

Nitong Lunes, 9 Pebrero, pormal na inilunsad ang grupo sa Lungsod Quezon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …

Firing Line Robert Roque

Ang Panganib ng mga Landfill

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG tanging dahilan kung bakit tila hindi gaanong pinapansin …

PADAYON logo ni Teddy Brul

People Power revisited:
Ang kapangyarihan ng masa at dominasyon ng elitista

Ang mga larawan ay mula sa file photos ni Romeo Mariano. “KUMUSTA na, ayos pa …

YANIG ni Bong Ramos

Death penalty ibalik laban sa krimeng karumal-dumal at pandarambong sa bayan

YANIGni Bong Ramos TILA wala na yatang takot sa Diyos at sa batas ang mga …

Sipat Mat Vicencio

Pro-Sara senators ‘pipilayan’ ng Malacañang

SIPATni Mat Vicencio NGAYONG nagdeklara na si Vice President Sara Duterte na kakandidato siya sa …