Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Boots Anson-Roa Charo Santos Until She Remembers

Barbie, Boots, Charo nagsama-sama sa isang madamdaming pelikula

RATED R
ni Rommel Gonzales

TATLO sa pinaka-malalaking pangalan sa showbiz industry ang magsasanib-puwersa sa isang madamdaming pelikula.

Ito ay ang pelikulang Until She Remembers na bida sina Barbie Forteza, Ms. Boots Anson-Roa, at Ms. Charo Santos.

Itoay isang madamdamin at tagos sa pusong drama na inilahahad sa paningin ng high school student na si Angel (Barbie) na dumaranas ng matinding pagsubok sa kanyang pamilya. Dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang, walang nagnanais o may kakayahang kumalinga sa kanya.

Sa kanyang paghahanap ng matutuluyan, lumipat siya sa kanyang lola (Concha, Charo), ngunit dito niya matutuklasan na ang pinakamamahal niyang lola ay dahan-dahang iginugupo ng sakit na kanser.

Sa natitirang sandali ng kanilang pagsasama, mabubunyag ang isang matagal nang nakabaong lihim.

Sa hangaring mabigyan ng saysay at kapayapaan ang mga huling araw ng kanyang lola, hahanapin ng bata si Catherine—na may makabuluhang bahagi sa buhay ni Concha.

Ang susunod ay isang tahimik, masakit, ngunit mapaghilom na paglalakbay patungo sa huling pagkikita—na ang alaala ay maaaring kumupas, ngunit ang pag-ibig ay mananatili.

Sa paglalakbay na ito, matututunan ng bata ang pinakamahalagang aral sa kanyang buhay: na ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa pagmamay-ari, panahon, o maging sa alaala—kundi sa presensya, sakripisyo, at malasakit. Isang aral na hindi naituturo sa anumang paaralan.

Sa direksiyon ng maituturing naman na isa sa mga hari sa larangan ng pagdidirehe, si Brillante Mendoza, ang pelikula ay mula sa Solar Studios, Inc. at Center Stage Productions Inc. na tampok din sina Albert Martinez, Angel Aquino, Eric Quizon, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Carlitos Siguion-Reyna, Perla Bautista, Angel Latorre, Bianca Kierulf at iba pa.

Ipalalabas sa Feb 25 sa mga sinehan sa buong bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …